Toni Gonzaga, napikon sa panglalait sa kanyang bangs?!

ADVERTISING

Toni Gonzaga, napikon sa panglalait sa kanyang bangs?!

Toni Gonzaga, napikon sa panglalait sa kanyang bangs?!HINDI MA-TAKE ni Toni Gonzaga ang mga panlalait sa kanya sa social media all because of her bangs.

Obviously ay napikon si Toni sa bashing na kanyang natanggap nang magpa-bangs siya.

“I don’t care. I don’t fix my hair for your own pleasure.”

‘Yan ang mataray na sagot ni Toni sa isang basher na nanlait sa kanyang hitsura.

ADVERTISING

With that ay parang lalong nag-init ang bashers niya at parang nagpiyesta sa panlalait sa kanya.

“Eh sino bang di maaliw jan,zany face with funny hair..parang lampaso ipinatong sa ulo..ang sama sa kanya tignan..keri nga nya,ang kapal ng mukha mag bangs,di namn bagay..style team ba kamo,san nah?” mataray na comment ng isang hindi nagkagusto sa bangs niya.

“Haha. Lumalabas din ang totoong ugali. Hehe. Goodluck sa panga at bangs. Good combo,” one guy wailed.

“Well, that is true. You can do what you want with your hair. Just don’t expect bashers to leave you alone. You’re a public figure, you’re fair game. The bashers will keep on coming. Be prepared. :)” sabi naman ng isa pang ayaw kay Toni.

But there’s one who likes the TV host-actress. Sabi niya, “I love her. Sport naman siya maski ng biruin ng mga co-hosts niya na Bangs of the Philippines daw. Narinig ninyo ang amused laughter ng audience ? Hindi sila nangiinsulto. They sound very amused at naaaliw pa.”

If we were Toni, isa lang ang sasabihin namin sa bashers: Bangs ng ina n’yo!

 

TILA HINDI pa rin maka-move on itong si Popoy Something nang layasan siya ni Marian Rivera.

Parang si Popoy kasi ang tinutukoy sa isang blind item about a manager na biglang nagbago ng isip at pinull-out ang kanyang dalawang alaga nang malamang makakasama sa event ang dati niyang alaga.

Should this be true, naku, Popoy, mag-move on ka na, ‘no? Tanggapin mo na wala na si Marian sa ‘yo. ‘Wag kang bitter.

Popoy Something should learn that in life ay merong umaalis at merong pumapalit.

 

AMONG THE male celebrities na rumampa sa Cosmo Bachelor’s Bash ay si Sam Concepcion lang ang walang kadating-dating.

We saw the photos sa internet at siya lang ang hindi maganda ang katawan. While he is flawless, wala namang shape ang kanyang body, walang abs, walang muscles, wala lahat ng hunky traits. Ewan kung bakit pinayagan siya ng Cosmo na rumampa. Para tuloy napadaan lang siya.

Actually, talbog na talbog si Sam ng ibang models at celebrities na talagang nag-effort para mapaganda ang katawan. Totoy na totoy pa si Sam sa kanyang hitsura.

Parang idinaan na lang ni Sam sa kapal ng mukha ang kanyang pagrampa. Ang feeling siguro niya ay hunk na hunk siya nang rumampa siya sa Cosmo. Excuse me, pero tumingin ka muna sa salimin, ‘no, nang malaman mo kung may K ka ngang rumampa.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING