Toni Gonzaga, napapahamak dahil sa kapatid na si Alex?!

ADVERTISING

Toni Gonzaga, napapahamak dahil sa kapatid na si Alex?!

Toni Gonzaga, napapahamak dahil sa kapatid na si Alex?!MARIING ITINANGGI NI Gerald Anderson na nagpatiwakal si Kim Chiu sanhi nang matinding problema sa kanilang relasyon. Ayon sa aktor, walang katotohanan ang mga naglabasang balita dahil una at higit sa lahat, never daw nagtangkang magpakamatay ang aktres.

Nilinaw rin ni Gerald na walang katotohanang may relasyon na sila ngayon ni Bea Alonzo na siyang dahilan kung bakit lately ay problemado si Kim Chiu. “Kahit na kaninong babae, gagawin ko rin ‘yung ginawa ko kay Bea, ang alalayan siya.” Ito ay dahil feeling daw ni Gerald na nahihirapan si Bea sa suot nitong gown sa nakaraang Star Magic na siyang pinagpipiyestahan ngayong pag-usapan. “Hindi totoong iniwan ko si Kim dahil kay Bea,” sabi pa ng aktor na kampante sa pagsasabing walang silang relasyon ni Bea at wala rin silang problema ni Kim.

Sa kabilang banda, tikom pa rin ang bibig ni Kim sa isyung nagtangka siyang magpatiwakal. Ayon sa isang taong malapit sa dalaga, magsasalita na lang ito sa tamang panahon. “Naku, magsasalita at magde-deny ‘yan ‘pag may ipo-promote nang movie. Kasi sayang nga naman ang isyu kung lilinawin niya nang walang kapalit na publicities, ‘no!” mataray na sabi ng aming source.

NAIINTINDIHAN NAMIN SI Angelica Jones. Pagod at puyat dahil sa tree planting program nila ni Governor ER Ejercito idagdag pa ang sarili nitong Libreng Gupit at Feeding para sa mga kababayan niya sa Nagcarlan na siyang dahilan kung bakit nairita at nag-walk-out ito sa aming interbyu nang dalawin namin siya Laguna kamakailan.

ADVERTISING

Noong una, masayang sinasagot ni Angelica ang mga tanong namin tungkol sa kanyang pagiging politician, lalo na ang mga ginagawa niyang programa para sa kanyang kababayan. Pero nagbago ang masaya niyang mukha nang itanong na namin sa kanya ang tungkol sa diumano, isa siyang ilusyunada.

Ilusyunada, oo! Kasi noon, napabalitang may manliligaw siyang isang prinsipe na taga-ibang bansa na later on, wala namang pruwebang nakita. Sumunod naman, du’n sa sinasabi niyang adopted daughter siya ng Sultan at ng mga Datu na siyang tumutulong ngayon sa kanya sa kanyang mga programa.

Ang tanong namin ay ganito: “Paano kung isipin ng mga tao na nag-iilusyon ka lang… ano ang masasabi mo?” Na sinagot niya nang ganito: “Bahala na sila, basta ako nagsasabi lang ng totoo,” na sinundan namin ng ganito: “Paano kung bansagan kang ‘Ilusyunada Queen’?” na siyang ikinairita na ng dalaga na amin namang nauunawaan.

Matapos magalit at mag-walk-out, nilapitan namin si Angelica dahil dama namin na nasagasaan namin talaga ang pride ng actres. Oo nga naman, isa siyang politician ngayon na may pinoproteksiyunan. Pero isang bagay lang ang hanggang ngayon ay naglalaro sa aming isipan: Hindi naman siguro ganu’n kapersonal ang aming katanungan para maapektuhan siya nang ganu’n na lang. But in fairness kay Angelica, paalis na lang kami ay hinabol pa kami ng kanyang secretary na alam namin kung ano ang gustong mangyari ng aktres, na amin na lang pinasalamatan.

Nag-walk-out man si Angelica sa amin, nais pa rin namin siyang pasalamatan at hangaan. Hindi siya tulad ng ibang kapag napikon ay nambabastos at nagsasalita ng masakit sa reporter. I love you pa rin Angelika, at babu!

MUKHANG NAPAPAHAMAK NGAYON si Toni Gonzaga dahil sa katabilan ni Alex Gonzaga. Ayon sa nakarating sa aming balita, kay Alex daw nanggagaling ang mga impormasyong galit si Toni kay Mariel Rodriguez. “‘Yung mga usapan kasi nilang mag-ate, nakalalabas kay Alex,” kuwento iyon ng aming source na nagsabi pa rin na kapag hindi iniwasan ni Alex ang sobrang katabilan, malamang makasira siya sa magandang image ng kanyang ate.

But in fairness kay Alex, matagal din namin siyang nakasama sa Juicy, pero hindi naman siya ‘yung mega daldalera na gustong palabasin ng iba. Totoong matsikang tao si Alex, pero hindi siya ‘yung klase na kuwento nang kuwento kung kani-kanino. Nagkakataon lang sigurong maling “tao” ‘yung napagkukuwentuhan niya lately, kaya may mga lumalabas na kuwentong hindi naman pampubliko.

Payo lang kay Alex, dapat siyang maging maingat sa pagsasalita, dahil hindi na siya ngayon ordinaryong bata na puwedeng ipagkibit-balikat lang ang lahat ng kanyang mga sinasabi. Dapat tandaan ni Alex, hindi lahat ng mga taong nasa kanyang paligid ay kaibigan.

Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING