Toni Gonzaga, naiyak sa first night nila ni Paul Soriano

ADVERTISING

Toni Gonzaga, naiyak sa first night nila ni Paul  Soriano

Toni-Gonzaga
“NAIYAK AKO!”
Ito ang pahayag ni Toni Gonzaga sa first night nila ng asawang si Paul Soriano. “Nung first night talaga namin, naiyak ako nang natapos na ‘yung buong wedding. Tapos umuwi ako kasama ko siya. Kasi parang hindi ako makapaniwala na ‘uy, grabe, hindi mo na ako ihahatid, na-realize mo ba ‘yun?’ Overwhelmed lang,” sabi pa ulit niya.

Ipinagmalaki din ni Toni na si Paul lang daw talaga ang tanging naging lalaki sa buhay niya.

“It’s always worth the wait. Saka, mas magandang gawin ang mga bagay sa tamang pamamaraan.”

Pagkatapos ng kanilang first night, ano naman ang na-realize at napatunayan niya?

ADVERTISING

“Parang sa akin, I take pride in myself na si Paul lang ang lalaki sa buhay ko. Parang bigla akong gumanyan kay Paul, ‘uy grabe, ikaw lang ang lalaki sa buhay ko, p’wede kang maglakad kahit saan, sasabihin mo, ‘ako lang ang naka-ano sa asawa ko.’”

May naging reaksyon ba naman si Paul sa sinabi niya?

“Wala naman, siyempre, tagumpay siya. Napagtagumpayan niya,” natatawa niyang pahayag.

Nakita rin daw niya na very proud si Paul at alagang-alaga siya pagkatapos ng nangyari.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING