Toni Gonzaga, nag-a-adjust pa rin sa buhay may asawa

ADVERTISING

Toni Gonzaga, nag-a-adjust pa rin sa buhay may asawa

Toni-GonzagaNAKAUSAP NG Team Ms. F ng Wow It’s Showbiz ang mulitimedia star na si Toni Gonzaga. Kasabay rin nagselebreyt  ang mga fans niya na present nu’ng gabing ‘yon. Nandu’n ang Tinsters, Tonilicious, Ultimate Friends of Toni G, Gonzaga Knows, Toni Gonzaga Online at Tonilex. Medyo late pa nga kami dahil nga galing pa kami ng aming radio show.

ADVERTISING

“Hi Miss, F!” salubong na bati niya sa amin.

Napag-usapan din ang kanyang naging honeymoon kay Direk Paul Soriano.

“Marami pa kaming magiging honeymoon. Basta marami pa, pero secret pa ‘yung iba, ” kuwento niya.

ADVERTISING

Kumusta naman?

“Basta nakakapanibago. Hindi kasi ako sanay na may katabing lalaki sa pagtulog. Pero ngayon, meron na, ang asawa ko. Nakakapanibago dahil nga wala nang daddy, wala na akong mommy na magdedesisyon. Ako na ang nagde-decide, kami na ni Paul,” sabi pa niya.

Matapang din niyang sinagot ang tanong kung si Direk Paul ba ang unang lalaki sa kanyang buhay?

“Yes siya ang unang lalaki at wala nang iba pa. Sa totoo lang!” pag-amin niya.

Sa araw na araw na magkasama sila sa isang bubong, unti-unti na siyang nag-aaral na magluto. “At  ipinagluto ko na rin siya ng sphagetti. O, ‘di ba?” say pa ni Toni.

Tuloy pa rin ang career ni Toni at may bagong TV show na naman siya. ‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING