Toni Gonzaga, may kinalaman sa pag-alis ni Mariel Rodriguez sa Dos?!

Toni Gonzaga, may kinalaman sa pag-alis ni Mariel Rodriguez sa Dos?!

Toni Gonzaga, may kinalaman sa pag-alis ni Mariel Rodriguez sa Dos?!

USAP-USAPANG MAY KINALAMAN din pala si Toni Gonzaga sa pag-alis ni Mariel Rodriguez sa Dos.

Kahit na nagkabati na, hindi pa rin naman pala okay ang relasyon ng dalawa. Actually, hindi talaga naibalik ang kanilang friendship. Ang kanilang on-cam camaraderie ay all for a show.

Ilang araw nga raw bago umalis ng Dos si Mariel, pinahakot na nito ang lahat ng kanyang gamit sa dressing room ng Happy, Yipee, Yehey!. Nagulat siyempre ang Toni. Sabi raw ng alalay ni Mariel, ayaw na raw makipag-share ng kanyang alaga sa isang dressing room with Toni.

Actually, nasulat na namin na napilitan lang magbati ang dalawa noon dahil magsisimula na silang mag-host ng bagong noontime show ng Dos, ang Happy, Yipee, Yehey! nga.

 

MARIIN ANG PAGKAKASABI ni Anne Curtis na hindi siya nangaliwa habang may karelasyon siya.

“Never cheated and never want to cheat! Kasi I believe in karma,” sabi ni Anne sa presscon ng No Other Woman.

Pero inamin niyang naghabol na siya sa dati niyang boyfriend.

“Yes, oo. I think kasi kapag na-in love ka, mababaliw ka talaga. Naku… naku… naku. I think kasi mababaliw ka talaga na wala ka nang pakialam kung ano ang sasabihin ng mga tao. O all out ka talaga para sa taong mahal mo. Me gano’n ako,” tsika ng aktres.

Nagawa mo na? “Oo,” sambit ni Anne.

Kay Sam ba ‘yon?

“Secret!

Sabi ni Anne, hindi perpekto ang kanyang relasyon kay Erwann Heussaff.

“I don’t think anyone can have a perfect relationship but I’d like to think that my relationship is the closest to perfect.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas