Toni Gonzaga, magtatrabaho pa rin kahit makasal na kay Direk Paul Soriano

Toni Gonzaga, magtatrabaho pa rin kahit makasal na kay Direk Paul Soriano

Toni-Gonzaga-Paul-SorianoNGAYONG NAIPALABAS na ang movie nina Toni Gonzaga at Coco Martin na kumita sa takilya. Puwede na raw pag-usapan ang nalalapit nilang kasal ni Paul Soriano. Gumawa na sila ng listahan kung sinu-sino ang magiging ninong at ninang sa kasal pati na rin ang magiging abay sa kasal sa side nina Toni at Direk Paul.

Ayaw munang i-reveal ni Toni kung sinong top designer ang gagawa ng kanyang wedding gown, pati na rin ang isusuot ng mga bride’s maids sa kasal. Gusto ng singer-actress na makumpleto muna ang kanilang listahan saka nila sasabihin ito. Ang dami pa raw dapat ayusin, ang simbahan na paggaganapan ng kasal, venue kung saan ang wedding reception, etc. I’m sure, magiging wedding of the year ang kasalang Toni at Direk Paul.

Sabi ni Toni, “Kahit may asawa na ako, magtratrabaho pa rin ako. Tuloy pa rin ang pagho-host at paggawa ko ng pelikula. Napag-usapan na namin ito ni Paul, okay lang sa kanya. Kung saan ako masaya, susuportahan niya ako. Siyempre, mag-iiba lang ang takbo kapag nagka-baby na kami. Family na ang magiging priority ko sa buhay, secondary na lang ang career.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield