Toni Gonzaga, itinangging minadaling tapusin ang pelikula

Toni Gonzaga, itinangging minadaling tapusin ang pelikula

Toni-GonzagaITINANGGI NI Toni Gonzaga na siya ang nag-request na ilabas na kaagad sa mga sinehan ang You’re My Boss movie nila ni Coco Martin under Star Cinema na idinirek ni Tonet Jadaone.

Ang production na raw mismo ang nagpumilit na ilabas na ito sa Sabado De Gloria sa mga sinehan para mabigyan ng tamang panahon at oras si Toni na paghandaan nito ang nalalapit na kasal kay Direk Paul Soriano.

Si Coco ay marami ring pelikulang nakatakdang gawin tulad ng pagsasamahan nila ni Vice Ganda.

Going back sa You’re My Boss, naghubad pala si Coco sa harap ni Toni Gonzaga. Ang eksena kasi ay magpapalit sila ng posisyon ni Toni na siyang boss ni Coco. Kailangang magpalit ng damit na disente ni Coco para hindi mabuko ang plano nila. Ibinili ng mamahaling damit ni Toni si Coco at sa loob ng kotse habang sila ay tumatakbo ay pinagbihis ng una ang huli na kaagad namang sumunod.

Inamin ni Toni na siya ang nag-concept ng pelikula noon pa dahil gusto niyang makasama si Coco sa movie. Ikinuwento raw niya sa big bosses ng Star Cinema ang kanyang idea at kaagad naman daw itong nagustuhan.

Hindi rin ikinaila ni Toni na gusto pa rin niyang makasama si Coco sa mga susunod niyang project sa Star Cinema.

Samantalang nang maungkat ang isyu ng pagpapakasal nila Toni at Direk Paul, humingi kaagad ng paumanhin si Toni sa press na hindi muna siya makapagbibigay ng detalye ng wedding.

Gusto ni Toni na mapokus muna at mapag-usapan muna ang pelikula nila ni Coco at pagkatapos na mailabas na ito sa mga sinehan, saka siya magbibigay ng mga detalye ng magiging kasal nila ni Direk Paul.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo