Toni Gonzaga, inireklamo ng stylist

ADVERTISING

Toni Gonzaga, inireklamo ng stylist

Toni-Gonzaga“WALA SIYANG kunsiderasyon!”

Ito ang reklamo ng isang irate stylist laban kay Toni Gonzaga while filming her latest movie with Coco Martin in Batanes.

Sa isang eksenang kinunan, Toni wore a cardigan na kailangan niyang isuot uli kinabukasan. She then instructed her stylist na labhan ito dahil, “Ayokong magsuot ng pinagpawisan ko na.”

Alas-dos ng umaga na-pack up ang shoot (sa Batanes pala, hanggang 12 midnight lang ang kuryente, power resumes at 6 a.m.). Ang shoot the next day would start at 7 a.m.

ADVERTISING

Siyempre, hindi naman agad-agad makatutulog ang stylist. Mag-aayos pa ito ng mga gamit ni Toni, kaya alas-sais na siya ng umaga—kung kalian meron na uling kuryente—nagising. Dali-dali niyang binlowdry ang nilabhang cardigan para matuyo in time for the shoot.

Nang isusuot na raw ni Toni ang pinatuyong cardigan, napansin niyang bahagyang basa pa ang magkabilang siko ng cardigan, bagay na ikinagalit niya to the point that she had to throw her signature bag in a fit of rage.

Dinayalogan daw ng TV host-actress ang stylist ng, “Kung ‘di n’yo kayang gawin ang trabaho n’yo nang maayos, maghanap na lang kayo ng ibang trabaho! Sabihin n’yo lang kung ‘di n’yo kayang gawin ang trabaho n’yo, ako na mismo ang gagawa ng trabaho n’yo!”

We could imagine the poor stylist’s feeling, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ewan nga lang kung tulad ng nilabhan at pinahanginan niyang cardigan, eh, natuyo rin siya.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING