Toni Gonzaga, ikinabaliw ng ina ang pagsusuot ng bathing suit!

ADVERTISING

Toni Gonzaga, ikinabaliw ng ina ang pagsusuot ng bathing suit!

Toni Gonzaga, ikinabaliw ng ina ang pagsusuot ng bathing suit!

ADVERTISING

IPINAGTAPAT NI Toni Gonzaga sa presscon ng This Guy’s In Love With You Mare movie nila nina Luis Manzano at Vice Ganda na ikinabaliw raw ng nanay niyang si Mommy Pinty ang pagpayag niyang magsuot ng very revealing bathing suit sa isang eksena sa movie na idinirek ni Wenn Deramas.

Wala raw si Mommy Pinty nang kunan ang bathing suit scene ni Toni kaya nang makita raw ng mommy niya ang eksena ay nagtitili raw ito dahil sa sobrang shocked.

Inamin naman ni Toni na siya ang may desisyon at hindi siya pinilit na gawin ang naturang eksena na magsusuot siya ng bathing suit na hindi nito ikinonsulta sa mommy niya na tumatayong business manager nilang magkapatid na si Alex Gonzaga.

ADVERTISING

Hindi kasi itinatanggi at itinatago ni Toni na may pagkapilya siya kaya noon minsan pumayag siyang magpakita ng cleavage at ng kapatid na si Alex sa isang magazine ay hindi niya ito ipinaalam sa ina kaya naman nang makita ito ni Mommy niya ay nagtatalak ito.

Katuwiran naman ni Toni, nasa hustong edad na siya at alam niya na hindi naman siya mapapasama dahil comedy raw ang eksena ng bathing suit kaya hindi siya nag-alangan sa utos ni Direk.

Ang protesta naman ng mommy raw ni Toni ay ipinagmamalaki raw kasi nito sa kanyang mga churchmate ang pelikulang ginagawa niya. At ipinapakita rin daw nito ang mga pictorial niya sa mga magazines.

Pero nakumbinsi rin ni Toni ang ina na wholesome pa rin ang dating ng pagsusuot niya ng bathing suit sa movie nila ni Luis at Vice.

Inamin naman ni Toni na matagal na niyang ilusyon na magpa-seksi kaya siya pumayag mag-bathing suit. Kahit man lang daw sa ganoon pagkakataon ay mailabas niya ang kanyang pangarap na magpaseksi at kering-keri raw niya.

Hindi lang daw kayang gawin ni Toni ay magpa-pictorial sa isang men’s magazine dahil iba raw ang concept ng mga photoshoot nito kaysa sa isang fashion magazine.

 

AYAN AT umalma na raw ang mga kamag-anak ni Jessica Sanchez sa Samal, Bataan dahil ‘di nito nagawang dalawin kahit na nagtagal ang 1st runner-up ng American Idol sa bansa.

May nagsabi raw diumano na nagtatampo ang kamag-anak nito dahil ‘di nagawang dalawin kahit sandali, ganoong ito ang mga nagpakita ng mala-king suporta sa kanya noong lumalaban pa siya sa American Idol.

Katuwiran ng mother ni Jessica, kulang na raw sila ng oras dahil very hectic ang schedule ng tinanghal na 1st runner-up ng American Idol.

Toni Gonzaga, ikinabaliw ng ina ang pagsusuot ng bathing suit!

Pero nagawa pa nitong mag-stay ng one week pagkatapos ng concert sa Smart Araneta kasama ang mga American Idol winner at contestant para gawin ang dalawang endorsement sa bansa.

Naging konsuwelo na lang daw ng mother ni Jessica ay pagbabalik nila ng ‘Pinas ay dadalawin na nila ang mga kamag-anak nito.

Well, ano kaya masasabi ni Nelson Canlas sa pagbabalik ni Jessica Sanchez sa ‘Pinas?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING