Toni Gonzaga, gustong maging June bride

Toni Gonzaga, gustong maging June bride

Toni-GonzagaBIGLA NAMING naalala si Toni Gonzaga matapos silang umamin ni Paul Soriano na engaged na sila. Mukhang nakikini-kinita na ito ng parents ni Toni noon pa, kaya ang ginawa ng parents ni Tintin, nagpagawa ng bahay sa tabi ng bahay nila para kung sakaling magpakasal na ang dalawa ay roon muna sila mag-stay. Parang hindi pa kasi handa that time ang parents na mawalay sa kanila ang kanilang panganay, kaya ayaw nilang mawawala ito sa paningin nila.

Hahahahaha! Ang sweet namang parents nina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

‘Eto na nga. Ang tsikang nakarating sa amin, since engaged na si Toni sa 7 years nang dyowa nitong si Direk Paul ay gusto ni Toni na maging June bride, dahil katwiran daw ni Mareng Toni, iba ‘pag ikinakasal ng June.

Pero ewan natin kung mapapalitan pa ang buwan ng kasalan, ha? Tumutok lang tayo.

Oh My G!
by Ogie Diaz