Toni Gonzaga, dream come true na makapareha si Coco Martin sa movie

Toni Gonzaga, dream come true na makapareha si Coco Martin sa movie

Toni-Gonzaga-Coco-MartinDREAM COME true para kay Toni Gonzaga makatrabaho niya si Coco Martin sa pelikulang You’re My Boss sa direksyon ni Tonet Jadaone under Star Cinema. Sobra ang paghanga at respeto nito sa galing ng actor. Kaya nga nang i-offer sa kanya ang movie project na makatambal ang Indie Prince, agad-agad niyang tinanggap ito kahit hindi pa niya nababasa ang kabuuan ng istorya.

Sino namang artista babae ang tatanggi makatambal si Coco? Halos lahat ay nangangarap, maging ang utol nitong si Alex Gonzaga. Sobrang nag-enjoy sina Toni at Coco habang ginagawa nila ang pelikula. Kailangan raw maging relax sila sa isa’t isa para maging makatotohanan ang bawat eksena, ayon kay Direk Tonet. Nagkaroon naman ng time para makapag-bonding ang dalawa.

Knowing Toni, super sa pagka-kilay at madaldal, madali niyang nakuha ang loob ni Coco kaya’t naging magaan para kay Direk Tonet na kunan ang mga nakakikilig at nakatatawang eksena ng dalawa. Madaling nakapag-adjust si Coco, super aliw ito sa kadaldalan ng singer-actress.

Ayon nga sa mga nakapanood ng rushes, may chemistry sina Toni at Coco, parang totoong-totoo ang bawat eksena. Maging sila ay kinikilig kahit alam nating magiging future wife na si Toni ni Direk Paul Soriano. Bagay na bagay sa kanila ang character na ginagampanan nila sa pelikula.

Ang pagiging versatile actor ni Coco ang malaking factor kaya’t kahit anong role ang ibigay mo sa kanya ay nagagawa niyang i-portray with flying colors. Pagdating nito sa set ay in character na ito at ready for take. Inaaral na kasi ng award-winning actor ang script bago pa lang sila mag-shooting. Ganu’n ka-professional si Coco, same with Toni, kaya nga they’re perfect as tandem.

Ngayon pa lang sasabihin ko, siguradong magiging blockbuster ang pelikulang You’re My Boss.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield