Toni Gonzaga, ‘di sumuko sa pangarap na makatambal si Piolo Pascual

ADVERTISING

Toni Gonzaga, ‘di sumuko sa pangarap na makatambal si Piolo Pascual

Toni Gonzaga, ‘di sumuko sa pangarap na makatambal si Piolo PascualTHE ULTIMATE Heartthrob meets The Ultimate Multimedia Star. Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang bigating pelikula sina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.

Unang nagkasama ang dalawa sa isang softdrink commercial kung saan main endorser si Piolo. Sino ang makalilimot sa katagang “I love you, Piolo” na pasigaw na binigkas ni Toni when she saw him at sa bandang huli ay niyaya niya ito para magpa-picture? This TVC paved the way for the young Toni to enter showbiz and the rest, as they say, is history.

Sa wakas, makalipas ang ilang taon mula nang gawin nila ang nasabing commercial ay nauwi na sa big screen ang kanilang inaabangang tambalan. The Star Cinema movie will be directed by Olivia Lamasan.

Nasilip kamakailan ng The Buzz ang shooting ng pelikula. “After I transferred to ABS-CBN, may sinasabi na sa akin, ‘Oh, p’wede kayong magpartner ni PJ.’ Marami na ring scripts na dumaan noon. Nag-expect ako. Sabi ko, ‘Ah, ‘eto na.’ Tapos ang dami niya nang leading lady na naka-partner. Sabi ko, ‘Hala, baka matapos na itong karera ko sa industriyang ito, hindi ko siya makapareha.’ Dumating na talaga ako sa point na ganoon. ‘Ay siguro, hindi ko na siya makakatrabaho.’ Tuwing may bagong leading lady talaga, to the point na negselos na ako. Si Xyriel (Manabat) nai-partner na sa kanya sa 24/7. ‘Hala! Naunahan ako ng bata,’” nakakatawang kuwento ni Toni.

ADVERTISING

Ano ba ang dapat abangan ng publiko sa romantic comedy movie nila? “I play the role of Ginny na estudyante ni Sir Marco,” pagbabahagi ni Toni. “Marami na tayong napanood na love story, drama and romcom. We are proud to say, it’s not a typical love story that you will see. It’s not a typical ending that you will expect from Star Cinema,” pagsu-suspense ni Piolo.

Toni admitted na kinikilig siya kay Piolo and she looks forward to their shooting days. The two stars are very comfortable with each other at patunay rito ang kanilang mga biruan during the interview. The Buzz asked Toni kung ano ang isang tanong na gusto niyang itanong kay Piolo. “Kailan ka mag-aasawa?,” she asked him. Sinagot naman ito ni Piolo, “Hopefully in a few years time. Bago ako mag-40, iyon ang sinabi ko sa anak ko.” He suddenly asked Toni when she will get married. “Siyempre bago ako, mauuna ka. Tapusin ko muna itong pelikulang ito. Goal ko iyan. Hanggang hindi ko nakakatrabaho si Piolo, ipo-prolong ko itong pagpapakasal ko,” pabirong sagot ng aktres.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING