Toni Gonzaga, ‘di natatakot na malaos

ADVERTISING

Toni Gonzaga, ‘di natatakot na malaos

Toni-GonzagaHINDI NAMAN bato si Toni Gonzaga para hindi masaktan sa mga pambabatikos na kanyang naranasan matapos silang maikasal ni Direk Paul Soriano. Pero sa totoo lang din, matapang naman ang sikat na TV host sa mga intriga, dahil bago siya sumikat ay para siyang pinainom ng mapait na apdo nang intrigahin siyang walang utang na loob nang magdesisyon siyang sa pagiging parte ng programang Eat Bulaga sa GMA 7 ay lumipat siya sa ABS-CBN.

ADVERTISING

Career move iyon, eh. Walang nangyayari sa kanya sa Siyete. Hindi naman siya nagkamali ng kanyang naging desisyon, dahil bumongga ang kanyang pangalan sa Kapamilya Network. Napakinabangan talaga siya sa pagho-host ng mga programa. Plastik ang mga taong magsasabing hindi naging big star si Toni, dahil sa pangangalaga niya sa kanyang career. Sobrang inggit na lang ang magsasabing wala siyang naging marka sa showbiz.

Hindi na bumabata si Toni, kaya kailangan na talaga niyang magpakasal. Napatunayan na niya ang kanyang sarili bilang magaling na TV host at artista, dahil kumikita sa takilya ang kanyang mga ginawang pelikula. Hinuhulaan na kaagad ang kanyang pagkalaos dahil nag-asawa na raw. Naroon pa rin ang katuwiran ng misis ni Direk Paul, na buhay niya iyon. Nakuha na niya ang panahon ng kanyang kasikatan, kaya okey lang kung hindi na siya sumikat pa nang todo. Ang importante, masaya na siya ngayon sa kanyang buhay dahil sa lalaking mahal niya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING