Toni Gonzaga, ‘di na rin virgin ang pananalita

Toni Gonzaga, ‘di na rin virgin ang pananalita

Toni-GonzagaNATATAWA AKO sa kadramahan ng “virginal beauty” na si Toni Gonzaga ngayong hindi na siya virgin matapos ang unang gabi nila ng napangasawang si Direk Paul Soriano. Akala ko noong una, ang pagiging virgin niya ay hindi lang sa pisikal na salita kundi pati na rin sa kanyang isip at pananalita tulad nang ipinangangalandakan niya sa sariling pananalita.

Kalurkey (pahiram Richard Gomez ng patented word mo na ito) na bigla yatang nalihis ang inaakala kong karespe-respetong si Toni na noong una ay ayaw pag-usapan ang mga sekswual or may pagka-berdeng issues sa buhay may asawa noon. Pero after ng unang gabi ng pulot-gata nila ng mister at napa-aray, lumala naman yata siya. The fact na iba na ang lengguwahe ni Toni, iibahin ko na rin ang lengguwahe ko sa column item na ito.

Quoting Toni sa mga interviews sa kanya, ipinagmalaki ni Toni na si Paul lang daw talaga ang tanging naging lalaki sa buhay niya. Sus! Kailangan pa bang ipagbandera ito?

Sabi niya, “It’s always worth the wait. Saka, mas magandang gawin ang mga bagay sa tamang pamamaraan. Para sa akin, I take pride in myself na si Paul lang ang lalaki sa buhay ko. Parang bigla akong gumanyan kay Paul, ‘uy grabe, ikaw lang ang lalaki sa buhay ko, p’wede kang maglakad kahit saan, sasabihin mo, ‘ako lang ang naka-ano sa asawa ko,” buong pagmamalaki ng virgin na nakuha ng mister niya.

Tuloy ang mga netizens, napapailing na lang sa TV host sa mga ikinukuwento niya sa press sa bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment, kung saan kasama niyang bida sina Sam Milby, Jolina Magdangal, at Piolo Pascual.

I just wonder kung ang pagiging virgin ni Toni ay based sa pagkakaintindi niya na hangga’t hindi pa siya nakikipagtalik sa lalaki (boyfriend man or asawa na), virgin siyang nakuha. In short, buo pa ang hymen niya at walang lamat kung ito ang pinupunto niya.

How about ang mga torrid kissing, petting, at ang pagbi-BJ or pagma-masturbate ng babae sa lalaking kapareha (boyfriend man or kanyang asawa), makokonsider din kaya na hindi na virgin ang babae kung naganap ito bago ang kasal or ang unang gabi ng pulot-gata?

The fact na very open na si Toni sa isyung ito, next time ‘pag nagkataon, itatanong ko sa kanya kung ano ang paghahandang ginawa niya before the first night, para masigurado niya na waging-wagi si Mister and worth the wait siya. Ano kaya ang magiging expertise ni Toni sa kama after ng isang taon na kasal na sila?

Interesting topic na puwedeng pagpistahan ng netizen na nagugulat sa pagiging open ni Toni sa usaping sekswal.

Sina Mariel Rodriguez-Padilla at Bianca Gonzales-Intal na mga kaibigan niya, at maging sina Rica Peralejo-Bonifacio and Iya Villana-Arellano ay never kong naringgan ng ganitong mga kuwento na very personal na para sa akin.

Si Toni, puwede palang maging peg si Xerex Xavier at Linda Lovelace matapos makatikim ng pagbibiyak ng pakwan at tamis ng saging ni Juan. Hahaha!

Reyted K
By RK VillaCorta