Toni Gonzaga could not keep secrets?!


DAPAT SANA AY
papunta kaming Daet, Camarines Norte kahapon para sa town fiesta kasama sina Marissa Sanchez, Bentot and Bentoy duo at si Enrique Gil ng Mula Sa Puso.

Nakakalokah, waiting na lang kami ng boarding, pero hindi kami pinahintulutan ng napakasungit na panahon, kaya ayun, umuwi kaming nakangiti.

Bakit kami nakangiti imbes na “umuwing luhaan”?

Aba, siyempre, God is good all the time. At least, nasa lupa pa lang kami ay bumongga na ang buhos ng ulan.

Hindi ‘yung saka bumuhos kapag ang eroplanong sakay kami ay makiki-paghalikan na sa ulap. Eh, paano kung doon magkaproblema sa ere?

Kahit alam mong mapupunta ka sa langit, teka munit, ‘no? Ayaw pa naming matigok, dahil marami pa ka-ming misyon sa buhay.

Nakansel lahat ng flights due to bad weather at naintindihan naman ito ni Mayor Tito Sarion ng Daet, kaya reset ang show.

Basta thank you, Lord! Ikaw na talaga!

BLIND ITEM: ISANG TV host-model ang seksing-seksi ‘pag nasa harap ng kamera. Pero ang nakakalokah, ‘pag gumigimik pala ito ay kakaiba.

Alam n’yo ba kung paano?

‘Pag sa sosyal na bar, aba, ang lola n’yo ay nagsasayaw sa ledge. Bigay na bigay. Kung sanay ka nga raw sa bar, itatanong mo sa sarili mo ‘pag nakita mo siya kung, “Ano kaya ang tinira ng babaeng ito at tila wala sa sarili?”

Ang giliw-giliw raw sa mga nakikilala sa disco. ‘Yun pala naman daw, ang TV host-model ay laklakera ng Party Pill o ‘yung tinatawag na Ecstacy.

Minsan, me common friend kami na nagtsikang, “Nakakahiya siya sabar. ‘Pag naka-Party Pill siya, ang harot-harot. To a point na nakikipaglaplapan na siya sa mga guys sa bar.

“Eh, maganda pa naman ang hitad, ‘di ba? Hindi na siyempre choosy pa ang kalaplapan niyang lalaki. Sasamantalahin nila talaga ang kabangagan niya sa E!”

Hay, naku, sana ay iniingatan ng female personality ang kanyang image na ipino-project sa TV. Kasi, baka mahuli siya ng kamera.

Kung hindi siya ma-XXX, baka ma-TV Patrol naman siya, sige siya!

OA NAMAN ‘YUNG ibang tao kung makahusga kay Toni Gonzaga. Porke si Toni ang nakaiskup na hiwalay na sina John Prats at Rachelle Ann Go, hinusgahan na siya na parang hindi siya mapagkatiwalaan ng sikreto.

BakIt daw sa kanya pa nanggaling ‘yon eh, hIndi naman daw siya reporter kundi artista siya?

Teka nga muna. Si Toni ay host sa The Buzz. Talk show ito, so isa siyang talk show host. Na dapat ay may knowledge din sa mga nangyayari sa mga artista.

Bakit, nag-imbento ba si Toni? Hindi naman, ah? Pinatotohanan pa nga ni John sa Happy, Yipee. Yehey! ang isyu na hindi na nga nagtagal ang relasyon nila ni Rachelle.

Kung ‘yun ay idinenay ni John, ‘yun ang malaking problema ni Toni. At stake ang kanyang credibility. At least, nagsasabi ng totoo si Toni.

Hindi lang matanggap ng iba lalo na ng ibang reporter na naiskupan sila ni Toni.

Ang nasisilip lang naming p’wedeng ma-ging problema ni Toni, baka mangilag na sa kanya ang ibang artista, dahil baka isipin nila, pati sila ay ma-drag ni Toni sa The Buzz.

Saka level-up na si Toni. Nasa talk show ka. eh. Dapat, ‘wag pakyut.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleLuis Manzano stays overnight at Jennylyn Mercado’s house?!
Next articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 82 June 24 – 26, 2011

No posts to display