Toni Gonzaga, ayaw pumalit sa trono ni Kris Aquino

ADVERTISING

Toni Gonzaga, ayaw pumalit sa trono ni Kris Aquino

Toni-Gonzaga-Kris-AquinoAYAW PUMAYAG ni Toni Gonzaga na siya ang papalit sa trono ni Kris Aquino sa ABS-CBN. Wala raw puwedeng pumalit sa Queen of All Media dahil nag-iisa lang daw ito.

“Walang puwedeng pumalit sa kanya dahil nag-iisa lang siya. Si Ate Kris ay anak ng bayani. Nakikita sa pera ang parents niya. Ako, ang parents ko, nakikita lang sa Taguig,” biro ni Toni.

Hindi raw niya kaya ang ginagawa ni Kris. Mas gusto raw niyang makilala bilang Toni Gonzaga herself at hindi raw dapat pinapalitan ang isang tao.

“Walang dapat pumalit sa isang tao dahil magkaiba naman tayong lahat. May kanya-kanyang mga bagay na kayang gawin at hindi kayang gawin. Hindi ko kaya ang ginagawa ni Ate Kris,” say ni Toni.

ADVERTISING

Tungkol naman sa paglagay sa tahimik. ‘Di ba siya naiinggit sa ginawang marriage proposal na ginawa ni Dingdong Dantes kay Marian Rivera?

Ayon kay Toni, ang pag-aasawa raw ay hindi pinaplano dahil kusa itong darating na hindi mo minsan inaasahan.

Hindi naman daw niya ililihim kung sakaling handa na rin sila ni Direk Paul Soriano na humarap sa altar para magpakasal.

Right now ay super busy siya sa mga commitment na tinanguan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING