Parazzi Chikka: Toni Gonzaga, ayaw makumpara kay Sarah Geronimo

ADVERTISING

Parazzi Chikka: Toni Gonzaga, ayaw makumpara kay Sarah Geronimo

Kamakailan lang ay inanunsyo na sa publiko ang upcoming Philippine Tour ni Toni Gonzaga para pasalamatan ang lahat ng tumangkilik sa kanyang mga album.Dahil dito, hindi na naman naiwasan ng mga miron na ikumpara ang dalaga kay Sarah Geronimo. Depensa naman niya, malayo na ang narating ni Sarah in terms of concerts and singing kung kaya’t huwag na raw sana silang intrigahin pa.

ADVERTISING

Nilinaw naman ng versatile singer/actress/host/model na ang nasabing tour ay matagal nang plinano ng Star Records. Hindi lang natuloy dahil naging busy ito sa kanyang movie and tv commitments. Ilan sa mga kantang pinasikat ni Toni ay We Belong, Catch Me I’m Falling at Kasalanan Ko Ba? Ka-join din siya sa comeback movie ni ERAP with Ai-ai delas Alas. Lalabas na rin soon ang pelikula niya na ang jowang si Paul Soriano mismo ang nag-direk. Bongga na nga sa lovelife, bongga pa sa karir! San ka pa?!

By Mica Rodriguez

Click to enlarge.

ADVERTISING

ADVERTISING