TONI GONZAGA AT MARIEL RODRIGUEZ, HALATANG NAGPA-PLASTIKAN!

ADVERTISING

TONI GONZAGA AT MARIEL RODRIGUEZ, HALATANG NAGPA-PLASTIKAN!NATULOY KAYA ang date nina Angel Locsin at Phil Younghusband?

We’re asking this, kasi nag-tweet si Tim Yap nu’ng Linggo ng madaling-araw at sinabing magkikita nga ang dalawa.

ADVERTISING

“Just learned that Phil Younghusband will be going out on a date with Angel Locsin tomorrow. They’re gonna go target shooting. Hanep!” ‘Yan ang tweet ni Tim na umani ng reaction sa maraming kababaihan sa Twitter.

May mga nagkagusto sa message na ito ni Tim at meron din namang naging concern kay Luis Manzano na ex-boyfriend ni Angel. Hindi na kami nagtaka kung bakit sa target shooting gustong makasama ni Angel si Phil. Athletic kasi ang dalaga.

Saan kaya papunta ang pagkakaibigan ng dalawa?

ADVERTISING

HINDI KAMI na-impress sa pilot episode ng bagong noontime show ng ABS-CBN nu’ng Sabado dahil nagmukhang musical ang show. Ang da-ming production numbers at iilan lang ang games.

Nagkalat si Sam Milby sa production number niya kasama ang mga walang ‘K’ na contestants ng isang music search. Sumablay ang boses ni Sam at muntik nang pumiyok. Ibinaba na lang niya ang tono niya dahil hindi siya makasabay sa mataas na tono ng kanta.

Sinabi naming walang K ang contestants ng talent search ng Dos dahil they are nowhere near Sarah Geronimo’s vocal prowess. Malayung-malayo sila maski na sa dating. They’re not star materials. Isa kaya sa kanila ang ipapalit ng Dos kay Sarah kapag umalis na ang dalaga sa Kapamilya network?

Naku, I’m sure may magre-react na naman diyan. Hahaha!

Anyway, hindi namin nakitaan ng potential ang bagong noontime show ng Dos. Wala itong kadating-dating. Talagang hindi pa isinisilang ang magpapataob sa Eat Bulaga.

HALATANG FORCING THROUGH ang production number nina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Bianca Gonzalez. It was made to believe that Mariel and Toni are indeed okay na okay na.

Helllooowww! Feeling namin ay nagpaplastikan lang sina Mariel at Toni, ‘no! Siyempre, they have to do it, kasi may show sila together. Talagang tinayming nila ang kanilang pagbabati para sa show.

At may mga patutsada kay Willie Revillame sina Randy Santiago at Mariel. Bigla kasing may nag-ring at sinabi ni Randy kay John Estrada na ‘wag na nitong sagutin. Obviously, he’s referring to the incident kung saan tinawagan ni Willie si John at tinarayan ito habang live na live ang Willing Willie.

Si Mariel naman nagpa-kontrobersiyal.Talagang tinanong niya kay Sam kung alam nito kung sino ang best man sa kasal ni John before doing the intro of John’s dance number. Of course, by now ay alam n’yo na siguro na hindi na matutuloy si Willie bilang best man ni John sa kasal nito.

May pagka-slapstick ang production number nina John, Priscilla Meirelles, Bianca Manalo at Melai Cantiveros matapos itulak-tulak ni Bianca si Melai. It was as if hindi puwedeng makipagsayaw sa isang guwapong lalaki ang katulad ni Melai. That’s the message that the dance number unwittingly conveyed.

Naku, mukhang ayaw mag-move on ng noontime na ito sa dating naging hari ng noontime show last year. Hanggang ngayon kasi ay obvious namang bitter pa rin sila.

MAGDYOWA NA RAW sina Matteo Guidicelli at Maja Salvador. Hindi lang daw friendship ang mayroon sa dalawa. Talagang na-develop ang dalawa pagkatapos magsama sa isang show.

May nakapagsabi sa amin na hindi na itinuloy ni Matteo ang panliligaw kay Sarah dahil alam naman niyang mahihirapan lang siya rito. Aware naman kasi siya na sobra ang higpit ng mga magulang ng singer-actress, kaya naman ibinaling na lang niya ang kanyang pagtingin kay Maja.

Sabi nga ng friend ni Matteo, hindi magtitiyaga ang binata sa isang babaeng sobrang hinigpitan ng kanyang mga magulang na parang iginapos na ang puso. Ngayon, masayang-masaya na si Matteo sa piling ni Maja.

Bakit nga naman niya i-pipilit ang sarili niya sa isang dalagang nakatali sa saya ng kanyang mga magulang kahit of age na?

TONI GONZAGA AT MARIEL RODRIGUEZ, HALATANG NAGPA-PLASTIKAN!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING