Toni Gonzaga at Alex Gonzaga, mga plastikada?

ADVERTISING

Toni Gonzaga at Alex Gonzaga, mga plastikada?

Toni-Gonzaga-Alex-GonzagaMILYA-MILYA ANG layo ng kasikatan ni Toni Gonzaga kumpara kay Alex Gonzaga. Kaya kapag iniintriga silang dalawa, ang mas nakatatandang Gonzaga ang napuputukan ng sobra-sobrang pagkukumpara.

ADVERTISING

Tungkol sa popularity, hindi naman isyu iyon sa magkapatid, dahil bilib naman talaga si Alex sa kung saan na ang malayong narating na kasikatan ng kanyang ate. Kaya nga sa ngayon, madali na silang pagkumparahin, kumpara nu’ng nasa TV5 pa lang siya.

Ilan na nga sa showbiz ang nanlait na napakaplastik daw nilang magkapatid. Pero mahirap naman siyempreng husgahan sina Toni at Alex kung hindi mo sila nakasasama. Sa kanilang dalawa, puwede talagang sabihin na si Toni ‘yung malaki ang ipinagbago ng ugali, na siguro ay dahil sa dami ng kanyang trabaho dahil sobrang bongga nga ang kanyang career.

Madali kasing pagkumparahin ang ugali ng isang artistang hindi umuusad ang career kesa du’n sa bumongga talaga ang career.

ADVERTISING

Sa kanilang magkapatid, si Alex ‘yung marami pa ring makapagpapatunay na hindi pa nagbabago ang ugali, dahil ngayon pa lang nagsisimulang maramdaman na bumobongga na siya sa bakuran ng ABS-CBN.

Hindi makakalimutin si Alex sa kahit mukha lang ng mga taga-press, dahil nagkaroon nga siya ng talkshow dati sa TV5 na laging maraming press, kaya kilala niya sa pangalan at mukha ang marami nating kasamahan sa panulat, at pala-bati naman siya sa press.

Abangan na lang natin kung sisikat pa siya at kung may magbabago din sa ugali niya kapag sobrang busy na siya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING