Toni Gonzaga at Alex Gonzaga, maraming reklamo sa isa’t isa

ADVERTISING

Toni Gonzaga at Alex Gonzaga, maraming reklamo sa isa’t isa

Toni-Gonzaga-Alex-GonzagaHINDI RAW magdadalawang-isip si Toni Gonzaga na sabunutan ang kapatid na si Alex Gonzaga kapag ginaya raw nito si Luis Manzano na isang exhibitionist.

Naikumpara si Alex kay Luis bilang female version ng huli dahil sa pagiging makulit at palabiro. Tulad din daw kasi ni Luis na madalas magbitaw ng jokes at walang pakialam na magpakita ng katawan din daw si Alex sa likod ng camera.

Ayon kay Toni, sa bahay raw nila ay naka-bra at panty lang lagi si Alex na nakaugalian na raw yata ng huli.

Hindi rin maintindihan ni Toni kung bakit laging naka-underwear lang si Alex sa kanilang bahay, samantalang sangkatutak naman daw ang damit nito.

ADVERTISING

Ang lagi raw ibinibigay na dahilan ni Alex kay Toni ay mainit daw at nanghihinayang siya sa mga labahan. At dahil pagod na rin daw siya dahil sa trabaho kaya tinatamad na raw itong magbihis pa.

Ang nasabi na lang ni Toni na hanggang sa loob lang ng kanilang bahay ang pagbo-bold ni Alex at hindi niya papayagang maging balahura rin daw ito hanggang sa labas ng bahay.

Kung may reklamo si Toni kay Alex, mayroon din daw reklamo ang huli sa Ate Toni niya. Mas gusto raw ni Alex na katrabaho si Luis kaysa sa Ate Toni niya dahil perfectionist daw ito. Mas kampante nga raw niyang kabatuhan sa pag-host si Luis kaysa kay Toni.

Nakakaramdam din raw si Alex ng pagkailang kapag kaeksena ang kanyang Ate Toni. Pero mahal na mahal raw niya ang kanyang ate.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING