Toni Gonzaga’s loyalty, worth P3-M?!

ADVERTISING

 Toni Gonzaga’s loyalty, worth P3-M?!

 Toni Gonzaga’s loyalty, worth P3-M?!

ADVERTISING

MORE THAN THREE years na palang product endorser si Toni Gonzaga ng Faces & Curves nang lumipat ito sa Belo Medical Group. Ang balita, binayaran daw ng P3-M ni Vicki Belo ang dalaga para maging endorser ng kanilang beauty product. Palibhasa walang kontrata, verbal lang ang naging pag-uusap ng magkabilang panig kaya walang nagawa ang mag-asawang Dr. Jesus Recasata, Jr. (M.D. FRAPRAS, FPCS), tunay na Plastic Surgeon at Dra. Sheila Recasata sa naging desisyon ng TV host/singer. Para kay Dr. Jesus, ang pinanghawakan lang nila ay ang binitawang salita ng mag-ina na hindi sila iiwan sa ere.

Ang ikinalulungkot nina Dr. Jesus at Dra. Sheila, ay hindi man lang nagpaalam sa kanila nang personal si Toni. Ang ina lang nito ang nakipag-usap sa kanila. Hindi sa walang TF ang Faces & Curves sa mga celebrities na nag-i-endorse ng kanilang produkto. Libre naman sila sa anumang beauty services na inio-offer nila sa pagpapaganda. Free of charge ang mga celebrities magpa-retoke ng kahit anong parte ng kanilang katawan. Kung susumahin ang beauty services na ibinibigay nila sa mga artista, mas mahal pa sa talent fee na natatanggap nila sa iba. Buong katawan mo ba naman ang kalkalin, linisin, ultimo kasingit-singitan para lang mawala ang mga anik-anik na libag sa buong katawan para maging flawless, feeling beautiful sa paningin ng publiko.

Let’s face it, kung hindi gumanda at naging sikat si Toni, kukunin kaya siya ni Vicki Belo? Dapat lang siguro bigyang-halaga ng singer-actress sina Dr. Jesus at Dra. Sheila na naging parte ng kanyang beauty secret.

ADVERTISING

 Toni Gonzaga’s loyalty, worth P3-M?!

MAGING SI CRISTINE Reyes ay naging image model ng Faces & Curves for two years. Nasilaw sa P1-M contract ni Vicki Belo for one year. Iniwan din ng sexy star nang walang paalam ang mag-asawang doktor. Nang matapos ang one year contract at hindi na ni-renew ang kontrata ng Belo Medical Group, nagparamdam ito kay Dok na gusto niyang bumalik muli sa kanilang poder.

Tinanong namin si Dr. Jesus kung sinu-sinong artista ang nagpa-retoke ng mukha’t katawan. Wala itong binanggit na pangalan dahil pinanga-ngalagaan nila ang kanilang clients. Pakatitigan na lang daw namin ‘yung mga celebrities na sa tingin namin ay nagpa-retoke. Kami na rin daw ang makakasagot sa aming katanungan kung sinu-sino sila.

Tuloy, nag-isip kami, may retoke kaya ang katawan ni Cristine Reyes kaya siya ganu’n ka-sensual ? Aling parte kaya ng katawan niya ang fake? Pati kaya si Toni Gonzaga, may retoke rin kaya? Well, ating alamin at pakatitigan ang dalawa. ‘Yun lang.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING