Toni at Alex Gonzaga intact pa rin ang closeness

Leo Bukas

MAY KANI-KANYA mang pamilya ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, intact pa rin daw ang kanilang closeness. Kasal si Toni  sa director-producer na si Paul Soriano samantalang napangasawa naman ni Alex si  Mikee Morada. They are not  living in one roof anymore na tulad ng dati nung mga dalaga pa sila.

Toni at Alex Gonzaga intact pa rin ang closeness
Alex and Toni Gonzaga

“Lagi kaming may time ni Alex for each other, kasi I think nakatulong din na dalawa kami, so talagang yung bond na nabuo namin, connected na talaga kami kahit magkalayo kami.

“We may not be physically together all the time, pero yung communication namin, laging tuluy-tuloy. So, lagi kaming updated sa mga pangyayari sa buhay ng bawat isa — yung mga milestone, kung anuman yung mga pinagdadaanan ng bawat isa, lagi kaming present,” lahad ni Toni sa ginanap na virtual presscon ng ExorSis.

Ayon naman kay Alex, ang Ate Toni raw ang una niyang sinabihan noon na buntis siya. Ito rin daw ang unang nakaalam nang magkaroon siya ng miscarriage.

Ani Alex,  “Actually, ang ate ko ang una kong sinabihan when I got pregnant. And then, siya rin yung isa sa mga una kong sinabihan nang hindi maging maganda yung outcome.

“Ang ate ko, hindi mo man mararamdaman yung physically na nandiyan siya because iba na yung bahay niya, pero her presence, her love, and yung care niya, nararamdaman mo.”

Magkasama sina Toni at Alex sa pelikulang ExorSis na official entry sa 2021 Metro Manila Film Festival na ipapalabas sa mga sinehan simula Christmas Day, Dec. 25. Ang ExorSis ay prinodyus ng TinCan Productions na pagmamay-ari mismo ni Toni at idinirek naman ng kaibigan nilang si Fifth Solomon na Viva Films naman ang magre-release.

“Isa sa pinakamasayang experience ko ito last year, nung nagluwag na at puwede nang mag-shoot. Sobrang grateful ko na nakasama ko itong cast na ito. They’re such a joy to work with.

“Parang hindi kami nagso-shooting, feeling namin nag-retreat lang kami dahil mas marami yung bonding moments, ang saya-saya,” kuwento ni Toni.

“I like doing yung mga comedy films tapos horror kasi parang these brings back mga memories, yung unang-unang pelikulang ginawa ko sa Star Cinema, yung “D Anothers” (with Vhong Navarro) and sobrang saya ng experience na yon dahil ganu’n na ganu’n din sa ExorSis,” dagdag pa niya.

Sa pelikulang ExorSis ay gumaganap si Toni bilang ate ni Alex na masyadong goal-driven.

Si Alex naman dito ay, “I played the role of Dani na sasapian ni Lengleng. I’m the youngest sa aming magkapatid. I’m always longing for my sister’s love kasi siya na lang ‘yung family na natira sa akin pero yon nga, lagi niya akong hindi pinapansin. Lagi siyang bitter sa akin hanggang sa sinapian ako tapos doon magsisimula yung journey ng character namin.”

Si Fifth Solomon ang director ng Exorsis.

Previous articleVLOG WATCH: Paul Salas as Donnalyn Bartolome’s Driver for a Day!
Next articleREBYU! ‘Palitan’ ni Direk Brillante Mendoza shocking ang girl-to-girl love scene