TomDen, ‘di mapapantayan ang success ng kanilang bekiserye

ADVERTISING

TomDen, ‘di mapapantayan ang success ng kanilang bekiserye

Tom-Rodriguez-Dennis-TrilloPAGKATAPOS NG matagumpay na phenomenal primetime series na My Husband’s Lover na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, inilabas na ng GMA Records ang kanilang first-ever album na “TomDen” na talaga namang naging isang certified hit. Nakuha rin nina Dennis at Tom ang Platinum Record award dahil sa mataas na pinagsamang digital at CD sales ng album nila na humigit sa 15,000 units. Ang album na ito ay binubuo ng mga hit na awiting “Forever”, “Ikaw Ang Sagot”, “Kailan Man”, at ang bersyon nila ng “One More Try”.

Sa totoo lang, matagal na ngang nananabik ang followers nina Dennis at Tom kung kalian masusundan ang kanilang My Husband’s Lover na teleserye.

Si Dennis, may serye na Sa Puso ni Doc na romance-drama sa GMA News TV na anytime next month (July) ay maipapalabas na. The love story cum docu ay maglalahad sa true to life story ni Doc Gab (Gabrielle dela Cruz played by Bella Padilla) na na-involve kay Doc Dennis (played by Dennis). Sa Instagram account ng aktor we’ve seen some photos ng taping nila sa Cavite na dinirek ni Adolf Alix Jr.

Sa kampo ni Tom, recently kasama ang manager niyang si Popoy Caritativo at Heart Evangelista ay nagkaroon sila ng show sa New York kamakailan.

ADVERTISING

Pero kung inaabang-abangan ng mga Tom-Den fans na ma-revive ang My Husband’s Lover romance ng dalawa, I bet tila mahirap pantayan ang naging success ng nasabing teleserye.

 

SIGE NA nga, hindi “petchay”niya ang ibinibenta ng starlet na si Krista Miller sa kontrobersiyal na preso na si Camata nang makunan ng CCTV ang pagdalaw ni Krista sa hospital room ng preso gayong wal pala itong permisio mula sa National Bilibid Prisons at sa DOJ na magpa-ospital. Real estate ang ibinibenta ni Krista ngayon, paglilinaw niya.

Kawawa naman si Krista kung susuriin mo ang panimula niya sa showbiz. Sa kagustuhan na makilala at magkapelikula, hayun at sumabit kay Cesar Montano na naging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawang Cesar at Sunshine Cruz.

The fact na negative na ang simula ni Krista, malabo na ma-reinvent pa niya ang sarili para mabura ang stigma na homewrecker siya at tindera ng “petchay”.

I am sure, tahimik man si Sunshine Cruz at walang reaksyon sa pagkakasangkot sa babaeng dahilan ng hiwalayan nila ni Buboy, vindicated na rin siya sa nangyari sa starlet.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING