Tom Taus, wala nang hilig sa pag-arte

ADVERTISING

Tom Taus, wala nang hilig sa pag-arte

Tom-TausFINALLY, NAKAUSAP na rin ng ilan press si Tom Taus, ang bunsong kapatid ni Antoniette Taus sa TV5 Novaliches last Wednesday. Si Tom at Jasmine Curtis Smith ang host ng Move It: Clash of the Streetdancers na ang natitirang apat na solo movers at dance crew ang maglalaban sa final.

ADVERTISING

Ayon kay Tom, mas masaya raw siya ngayon as host kaysa sa pag-e-emote sa harap ng camera as an actor.

“I really found my happiness, sa pagho-host. Hindi ko ikaiila na nag-enjoy rin ako noong bata pa ako sa pag-arte sa harap ng camera. Akala ko nga, ‘yun na talaga ang gusto ko. Pero habang nagbibinata na ako, biglang nagbago ang pangarap ko sa buhay,” say ni Tom na binatang-binata na ngayon.

Umalis ng Pinas si Tomn at namalagi sa ibang bansa, naging DJ sa isang sikat na radio program abroad at ngayon ay kinuhang co-host ni Jasmine sa nasabing show.

ADVERTISING

When asked kung may kopya ba siya ng mga pelikulang nagawa niya noong bagets pa siya, “Yes, po. May kopya po ako sa bahay. Tulad ng ‘Anak ng Bulkan’ at ‘Cedie’. Memorable po sa akin ‘yung dalawang movie,” natatawang say ni Tom.

Ngayon nasa showbiz siya muli, mananatili na siya sa bansa for good, or babalik siya abroad para ipagpatuloy ang iniwan niyang trabaho bilang isang DJ?

Kung may offer daw uli sa kanya, hindi niya tatanggihan, lalo’t pagho-host uli ang ipagkakatiwala sa kanya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING