Tom Rodriguez, totohahan na ang panliligaw kay Carla Abellana

ADVERTISING

Tom Rodriguez, totohahan na ang panliligaw kay Carla Abellana

Tom-Rodriguez-Carla-AbellanaHINDI NA napigilan ni Tom Rodriguez na aminin in public television ang tunay niyang saloobin sa kanyang leading lady na si Carla Abellana sa seryeng My Destiny. Inamin ng actor na nililigawan na nito ang dalaga. Nagparamdam muna ang binata kay Carla bago niya sinimulan ang panunuyo. Himingi rin ng permiso si Tom sa actress kung ready na itong magpaligaw. Isang makahulugang tingin lang daw ang naging sagot ng anak ni Rey PJ Avellana. Ibig sabihin, ready na ito for another relationship if ever maging sila after her break-up with Geoff Eigenmann.

Ang una raw na nakapansing may kakaibang sparkle sa mata ni Tom ay si Direk Joyce Bernal. Very energetic ang actor tuwing darating ito sa taping. Palaging masaya at ready for take na ikinatutuwa naman ng box-office director. Lalo na raw kapag eksena na nina Tom at Carla ang kukunan, ‘yung sweet moment nila together. Bigay na bigay ang actor, ramdam na ramdam ni Direk Joyce at buong production staff kapag nag-umpisa nang mag-dialogue si Grace (Carla), “I love you.” Sasagutin naman ni Matthew (Tom) si Grace ng “I love you, more.” Totoong-totoo ang eksena, para silang couple in real life na posibleng mangyari.

Kinikilig nga si Tom everytime na may lambingan scene sila ni Carla. Sasabihin ng actor kay Direk Joyce, “Totoo ‘yung sinasabi ko kay Carla, ‘I love you, more’, nanggagaling ‘yun dito sa puso ko.”

Tatawa lang daw ang actress, ayaw mag-comment sa tinuran ni Tom. Last week nga, puro romantic scenes nina Tom at Carla ang napanood namin. Bagay na bagay silang dalawa as couple, walang kami-malisya kung maglambingan silang dalawa. Nakaaaliw panoorin, sino ba naman lalaki ang hindi mai-inlove sa isang tulad ni Carla Abellana, beauty and brain?

ADVERTISING

Masuwerte si Tom kung sakaling maging sila ni Carla and vice versa. Lalong ikatutuwa ng kanilang mga fans kapag dumating sa point na sagutin na nga ng actress ang kanyang leading man. Bukod sa may chemistry na ang dalawa, palaging swak ang project na ibinibigay sa kanila ng GMA 7. Wish nga ng kanilang mga supporter na magkaroon ng romantic comedy film sina Carla at Tom. I’m sure, box-office hit ito sa takilya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING