Tom Rodriguez, tinakbuhan ang fan

ADVERTISING

Tom Rodriguez, tinakbuhan ang fan

Tom-RodriguezKASABAY RAW ng pagsikat ni Tom Rodriguez, na dating pa extra-extra lang sa mga show ng ABS-CBN at ngayon ay sikat na sa GMA 7 via my Husband’s Lover, ang pagbabago ng ugali nito. Kung dati-rati raw ay magiliw ito sa kanyang mga tagahanga, ngayon daw ay nagbago na ito.

ADVERTISING

May isang insidente nga raw after ng pagpapalabas ng  SAS (Sunday All Stars) ay may mga tagahangang galing pa sa malayong probinsiya na gustong magpalitrato kay Tom ang hindi nito pinagbigyan.

Imbes nga raw na magpalitrato ay dali-dali itong tumakbo sa kanyang sasakyan hatak-hatak ng kanyang malditang handler at umalis na ‘di man lamang napagbigyan ang mga tagahanga nito.

Kaya naman ang ending ay napaluha na lamang ang nasabing tagahanga na hinayang na hinayang sa malaking ginastos na pera makaluwas lang ng Manila para makita at makapag palitrato sa kanyang idolong si Tom Rodriguez.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING