Tom Rodriguez, sinusubukan pa lang daw ligawan si Carla Abellana?

ADVERTISING

Tom Rodriguez, sinusubukan pa lang daw ligawan si Carla Abellana?

Tom-Rodriguez Carla-AbellanaAT A recent event outside Manila ay nainterbyu si Tom Rodriguez. As usual, what else could be the subject kundi ang tungkol sa real score nila ngayon ng kanyang leading lady sa isang GMA soap na si Carla Abellana?

In a twang na halatang naimpluwensiyahan ng dila ng mga Kano, Tom smilingly declared, “I’m trying to court her.” Medyo nalito lang kami sa dalawang verbs o pandiwa sa kanyang sagot: ang present progressive na “AM TRYING” at “COURT”.

Puwede naman kasing sabihin ni Tom na, “I’m courting her,” period. Would that have been putting words into his mouth?

Pero hindi pa nagkasya ang mga kaistasyon namin sa GMA na mga pipi pero mahaderang saksi ng kaswitan nina Carla at Tom. “’Yun ba ‘yung ‘I’m trying to court her,’ atsutsutsu, eh, hawak-hawak ni Tom ‘yung cellphone ni Carla? ‘Di ba, personal na gamit ‘yon? Bakit pumapayag si Carla na pakialaman ‘yon ni Tom kung hindi sila magdyowa?”

ADVERTISING

Oo nga naman, huwag sanang magpaka-faithful si Carla kay Ryan Agoncillo dahil mag-asawa lang naman sila sa family-oriented sitcom na Ismol Family na mapapanood tuwing Linggo after Vampire Ang Daddy Ko sa GMA, ‘no!

I-plug ba?!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING