Tom Rodriguez, peke ang ‘bukol’?

ADVERTISING

Tom Rodriguez, peke ang ‘bukol’?

Tom-RodriguezNAKU, MAY nag-ispluk sa amin na kaya raw lumaki nang ganu’n ang hinaharap ni Tom Rodriguez sa nakaraang Bench underwear fashion show ay dahil may nilagay itong labakara. Hindi raw kasi talaga ganu’n ka-well-endowed ang pag-aari ng game show host ng Don’t Lose The Money na napanonood sa GMA 7.

Parang naliliitan ‘ata ang source namin sa kargada ni Tom, huh! Kaloka naman.

But anyway, whether may labakara man o wala, talaga namang oozing with sex appeal si Tom at kahit sino ay mapase-second look sa kanya. Sabi nga nila, hindi raw importante ang size, mas mahalaga ang galing ng performance.

And when it comes sa galing sa performance ay nakapagde-deliver naman si Tom bilang game show host ng Dont Lose The Money. Ang ganda ng segue, ‘di ba?

ADVERTISING

Napanonood din nga pala si Tom sa GMA series na My Destiny ka-partner ang rumored girlfriend niyang si Carla Abellana.

Teka, kelan ba aaminin publicly sina Tom at Carla na mag-on na sila? Kapag tapos na ba ang kanilang teleserye?

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING