Tom Rodriguez, nagwala sa taping ng game show?

ADVERTISING

Tom Rodriguez, nagwala sa taping ng game show?

Tom-RodriguezMAY MGA nagtanong sa akin tungkol diyan sa napabalitang nagwala raw si Tom Rodriguez sa taping ng Don’t Lose The Money.

Wala naman akong narinig, lalo na sa mga staff na wala namang kinukuwento sa akin.

Kung totoo man ‘yun, may dahilan ‘yan! Kasi ang bait kaya ni Tom!

Kung nadala man siya sa bugso ng damdamin, may sapat na dahilan ‘yan.

ADVERTISING

Ang dinig ko kasi sa guesting ‘yun ni Rey PJ Abellana nangyari na siguro may awkward moment siya sa ama ni Carla Abellana.

Pagkatapos daw ng taping, du’n daw nagwala si Tom na kung saan may mga nabasag daw na plato at nasirang mesa?

Marami raw mga nakasaksi na galit na galit daw na umalis ng studio.

Napanood ko naman ang episode na ‘yun nu’ng nakaraang Lunes at mukhang okay naman sila, ah!

‘Di ba si PJ naman may pagkaeksenadora naman, ‘di ba? Siguro kung anu-anong tinanong kay Tom na hindi na kumportable ang aktor.

Eh, ‘di ba? Hindi naman okay sina Carla at ng ama niya?

Ayaw na lang magsalita ni Carla dahil tatay naman niya ‘yun, pero alam ko hindi talaga sila okay, at lumaki siyempre si Carla sa lola niya na siyang nag-aruga naman talaga sa kanya.

Dapat na ipaliwanag din ‘yan ni PJ, lalo na’t may programa ‘yan sa GMA 7 na More Than Words na kung saan ibinalik ang tandem nila ni Leni Santos na matagal nagpahinga sa showbiz.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING