Tom Rodriguez, nagbabalik sa social media; binigyan ng ‘gag order’ ni Carla Abellana

AKTIBO na muli sa social media ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez. Matatandaan na nagdesisyon ito na magdeactivate pansamantala dahil na rin sa hiwalayan nila ng kanyang estranged wife na si Carla Abellana.

Dahil hindi klaro sa kanilang loyal followers at puro haka-haka lang ang naririnig natin sa tunay na dahilan ng kanilang nakakapanghinayang na paghihiwalay, hindi maiwasan na hanggang ngayon ay curious pa rin ang mga tao.

Tom Rodriguez, nagbabalik sa social media; binigyan ng 'gag order' ni Carla Abellana
Tom Rodriguez and Carla Abellana

S’yempre, naging saksi tayo sa pag-bloom ng kanilang relasyon from co-stars sa ‘My Husband’s Lover’ to several projects na sila ang magkapares hanggang sa sila’y ikasal last October 2021, ‘diba?

Sa pagbabalik ni Tom sa Instagram ay nagpost ito ng isang cryptic message na ngayo’y burado na rin.

“Mutually assured. Things go south, mushroom clouds. No one’s left around. Money bought, power talked but no one’s listening now. And empires claimed, up in flames, burnt to the ground. History repeats, video reels going round and round,” sambit ni Tom sa kanyang post.

“Why not tell the whole truth now? Why wait?” tanong ng isang concerned fan.

“Gag order… ask THEM why.” sagot ni Tom.

Another concerned fan suggestion na sana raw ay ipaglaban ni Tom ang relasyon nila ng kanyang misis. “Hopefully you will fight for Angeline… Ipaglaban mo sya paps dahil mahal ka nun. Believe me.”

Sinagot ito ni Tom na, “Not true. And you all know a tiny fraction of an entire story. But one day the whole truth will prevail.”

Tom Rodriguez, nagbabalik sa social media; binigyan ng 'gag order' ni Carla Abellana
Tom Rodriguez and Carla Abellana (TomCar) | Photo grabbed from @akosimangtomas IG account

As of writing ay naka-unfollow na si Tom kay Carla, habang si Carla ay nakafollow pa rin sa kanyang asawa sa Instagram.

“There’s way more to the story… and plenty of hurt going around for everyone. Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat.” pahabol pa ni Tom.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Carla tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Tom. Sa totoo lang, nanghihinayang kami dahil nasubaybayan natin lahat ang pinagdaanan ng TomCar at talagang minahal sila ng kanilang mga fans. Halata sa mga sagot ni Tom sa netizens na hurting pa ito sa pinagdaraanan nila ni Carla.

All we wish right now is complete healing for the two parties.

 

Previous articleTop 5 Moira Dela Torre ‘hugot’ songs
Next articleVLOG WATCH: Barbie Forteza and Jak Roberto’s Bohol Photoshoot + Anniversary Trip