Tom Rodriguez, nagbababad sa spa ni Carla Abellana?

ADVERTISING

Tom Rodriguez, nagbababad sa spa ni Carla Abellana?

Tom-RodriguezPAREHONG ITINATANGGI nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang kanilang relasyon. Nasa panliligaw stage pa lang daw ang actor at hindi pa nakaka-first base sa dalaga.

ADVERTISING

Kaya lang mukhang hindi naman ito kapani-paniwala. Ayon kasi sa aming source, madalas makitang magkasama ang dalawa sa isang SPA and wellness center sa may Scout Gandia, Quezon City. And to our surprise, ang SPA na ‘yon pala ay pag-aari ni Carla kaya lang ilang linggo na itong hindi operational.

Hindi kami sure kung bakit ito nagsara. Baka nalugi o inilipat ng ibang lugar.

Anyway, ayon pa sa aming source, kapag nando’n daw si Carla at dumating na si Tom ay lumalabas ng clinic ang lahat to give way sa paglalampungan ng dalawa. Wow ang sweet. Kaya imposible raw na wala silang relasyon.

ADVERTISING

Naku, paano kaya ipaliliwanag ni Tom ang tungkol dito?

Meanwhile, may bagong challenge sa career ngayon ni Tom dahil host na siya ng bagong game show ng GMA7 na Don’ t Lose The Money na mapapanood weekdays bago ang The Ryzza Mae Show. Makakatapat nito ang The Singing Bee ng ABS-CBN.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa tiwalang ibinigay ng GMA sa akin. I’m proud to be the host of this new game show,” sey pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING