Tom Rodriguez, muling tumuntong sa bakuran ng Dos

Tom Rodriguez, muling tumuntong sa bakuran ng Dos

Tom-RodriguezMASAYA ANG pakiramdam ni Tom Rodriguez na muli siyang nakatuntong sa bakuran ng ABS-CBN dahil sa presscon ng The Amazing Praybeyt Benjamin na pinagbibidahan ni Vice Ganda at entry ng Star Cinema and Viva Films sa darating na Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Christmas day.

“Heartwarming ’yung feeling,” sabi pa ng binata.

“I started here and I always pay my respect to ABS-CBN. Dito ako nagsimula, eh. It will always be part of my life,” dagdag pa niya.

Hindi rin daw nagkaroon ng second thought si Tom na tanggapin ang pelikula kahit pa exclusive contract star na siya ngayon ng GMA-7.

“Mahirap tanggihan ‘yung ganito kalaking project. Tapos si Vice pa ang kasama… I’m exclusive with GMA sa TV and sa network, pero wala kaming exclusivities when it comes to movies, eh.

“We are free to do movies or whatever movie sa kahit anong film outfit,” paliwanag ni Tom.

Samantala, cute ang tawag ni Tom kay Vice after ng kanilang mga stunt sa pelikula.

“Siya talaga ’yung “baklang action star”. Ang galing ni Vice. Hindi siya napapagod. Mas madali pa nga akong mapagod sa mga fight scene namin,” kuwento ni Tom.

Bukod kay Tom, kasama rin sa The Amazing Praybeyt Benjamin sina Richard Yap, Bimby Aquino Yap, Nikki Valdez, Eddie Garcia at marami pang iba. This is under the direction of Wenn Deramas.

La Boka
by Leo Bukas