I LOVE YOU SO! Tom Rodriguez, may touching birthday message para kay Carla Abellana

ADVERTISING

IN A WORLD full of chaos and uncertainty, welcoming para sa mga netizens ang konsepto ng ‘love’. Ito ang aming naramdaman pagkatapos masilip sa social media ang birthday message ni Tom Rodriguez para sa kanyang girlfriend na si Carla Abellana.

June 12 ang birthday ni Carla Abellana kaya naman nagpost ng heartfelt message si Tom. During the Enhanced Community Quarantine ay nagkasama ang dalawa. Sa mga past vlogs ni Carla ay nasilip ng fans ang buhay lockdown ng magdyowa.

ADVERTISING
I LOVE YOU SO! Tom Rodriguez, may touching birthday message para kay Carla Abellana
Birthday girl Carla Abellana | Carla with Tom Rodriguez

Narito ang very sweet and sincere message ni Tom kay Carla na 100% tagalog:

At dahil ngayon ay araw ng kalayaan…nawa’y maging malaya kang kamtin ang lahat ng iyong minimithi. Minimithi para sa sarili…sa pamilya…at sa nasasakop ng iyong napakalaking puso na handang magmalasakit sa kapwa. Nawa ay pagtibayin pa lalo ng diyos ang iyong pananalig na ngayon pa lang ay di magibagiba.

Panalangin ko na sana ay manatiling bukal ang agos ng kasiyahan at pagkakuntento sa buhay mo. Na kahit may madilim na ulap na dumadapo sa buong mundo at sa katauhan ng ilan, ay manatili ang liwanag ng diwa mo. Mahal na mahal kita. At habang buhay kong sisikapin na suportahan ang isang anghel na kagaya mo. Maligayang kaarawan, reyna ko! #happybirthdaycarlaabellana @carlaangeline

ADVERTISING

Nakakakilig, ‘di ba? Dahil sa ECQ ay nag-umpisa na rin ng kanyang YouTube channel si Tom. At least productive ang TomCar kahit walang taping ngayon at hindi sila masyadong mamimiss ng kanilang loyal fans and followers.

Nagkakilala sina Tom at Carla sa set ng LGBT-themed drama series nila noong 2013 na ‘My Husband’s Lover’ with Dennis Trillo. Kahit na mag-asawang naghiwalay sa ending ang tinakbo ng istorya ng kanilang mga characters, in real-life naman ay mas nag-progress ang kanilang love story! Dahil sa chemistry nilang nakakakilig, muli silang pinagsama sa ‘My Destiny’ with Rhian Ramos and Sid Lucero at sa romance-comedy na  ‘I Love Davao’. Huling napanood sa telebisyon ang tambalang TomCar sa seryeng ‘Love of my Life’, kung saan bago nagkaroon ng ECQ ay namatay ang karakter ni Tom. Kasama naman nila rito sina Mikael Daez, Rhian Ramos at Coney Reyes.

In the big screen ay nagsama na rin sila sa ‘So It’s You’ at ‘No Boyfriend Since Birth’ na parehong romance-comedy ang genre.

Ilang taon na rin magdyowa sina Tom at Carla. Hindi na kami magtataka kung one of these days ay i-announce na nila ang kanilang engagement at future wedding plans. We can’t wait!

Muli, Maligayang Kaarawan sa’yo, Carla! Stay happy and in love!

 

ADVERTISING