Tom Rodriguez, masuwerte raw sa pagtatambal nila ni Megan Young sa serye

Tom-RodriguezMAPALAD DAW si Tom Rodriquez dahil siya ang napiling kapartner ni Megan Young sa re-make ng Marimar sa GMA 7.

Sa isang interview kasi kay Megan, walang malisya nitong sinabi na gagawin kung anuman ang hinihingi ng istorya. Wala rin siyang pakialam kung sangkatutak ang maging halikan nila ni Tom sa serye.

Maging sa pagsusuot ng mga daring na damit ay walang tutol si Megan dahil kailangan naman daw talaga sa istorya na magmukha talagang kabigha-bighaning si Marimar.

Sa serye nga ay laging basa si Megan dahil madalas itong sumisid sa dagat at natural pag-ahon nito sa dagat ay bakat na bakat ang kaseksihan nito na siguradong ikatutulo ng laway ng mga barako.

“Kung anuman ang gustong ipagawa sa akin ni Direk ay gagawin ko nang walang tutol. Alam ko naman na magaling at poprotektahan kami ng aming director lalo na sa mga maseselang eksena,” say ni Megan.

Sa pictorial pa lang nina Megan at Tom, bigay na bigay na ang dalawa at kitang-kita na rin ang kaseksihan ni Megan na isa sa naging assets nito kaya nagwagi sa Miss World.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleJoel Cruz, namimigay ng house and lot worth P5-M sa kanyang loyal workers
Next articleLouise delos Reyes, may attitude problem kaya ‘di na pinagbibida sa serye?

No posts to display