Tom Rodriguez & Marian Rivera: Too Hot to Handle!

ADVERTISING

Tom Rodriguez & Marian Rivera: Too Hot to Handle!TOM RODRIGUEZ

Real Name: Bartolome Alberto Mott

ADVERTISING

Birth Date: October 1, 1987

Zodiac Sign: Libra

Symbol: The Balance

ADVERTISING

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

Tom Rodriguez & Marian Rivera: Too Hot to Handle!

MARIAN RIVERA

Real Name: Marian Gracia Rivera

Birthdate: August 12, 1984

Zodiac Sign: Leo

Symbol: The Lion

Ruling Planet: Sun

Quality: Fixed

Element: Fire

Basic Trait: I Will

Closest Metal: Gold

Lucky Day: Sunday

 

THE TEMPTATION ISLAND fever is on! Ilang araw pa lang palabas sa sinehan ang nasabing sexy-comedy remake ng obra ni Joey Gosiengfiao, pero marami na ang nagsasabing sulit na sulit ang pinambayad nila sa sinehan para panoorin ito. Sino ba naman ang hindi maaaliw sa limang naggagandahang dilag ng Siyete na tila nagpapatalbugan sa kaseksihan at agawan to death sa mga eksena? Pahuhuli ba naman ang mga boys sa kanilang half-naked scenes?!

Nang ilabas sa media na sina Tom Rodriguez at Marian Rivera ang gaganap bilang waiter na si Umberto at crook na si Cristina G ang magtatambal, marami ang utaw na na-curious kung may chemistry nga ba ang dalawa onscreen. Dito unang nasubok ang kanilang powers bilang magka-loveteam dahil galing sa bakuran ng Dos si lalaki, at reyna naman ng Siyete si babae. Kung sakali kayang wala sina Dingdong Dantes at Princess Manzon sa eksena, may chance kayang maging sina Tom at Marian sa totoong buhay? Hmmm…

Ahoy, marami palang similarities pagdating sa ugali at pananaw sa buhay ang Leo at Libra. Pareho silang ipina-nganak para magmahal nang bonggang-bongga at natural lang sa kanila ang maging lovable sa mga tao. Kaya nga nilang gawin ang lahat para lamang masunod ang gusto ng iniirog. Wala silang paki sa sasabihin ng ibang tao basta maipakita lang nila na sila’y nagmamahal. Kung fan kayo nina Tom at Marian, paniguradong kitang-kita niyo ito sa history ng buhay pag-ibig nila, hendevah?! Mahilig silang gumimik at gustung-gusto nilang makihalubilo sa mga tao.

Isa pa sa dahilan kung bakit pasok na pasok sa romansahan ang Leo at Libra ay dahil na rin sa pagco-complement ng kanilang ugali. Halimbawa, ang pagiging flexible ng Libra ay makaka-adjust sa pagiging stubborn ng Leo. Nagkakaroon lang ng problema kung masobrahan ng Leo ang katigasan ng ulo at maubos ang pasensiya ng Libra. Hindi naman talaga ito malaking isyu sa kanilang dalawa basta mapag-usapan agad ang mga bagay-bagay. Mas importante rin sa dalawang zodiac ang present at hindi na nila inuungkat ang nakaraan.

Kung long lasting relationship ang trip ng Librang lalaki, ang babaeng Leo talaga ang pinaka-compatible sa kanya. Sa dami nilang pagkakapareho, sila na ang nakaka-achieve ng lume-level up na chemistry. S’yempre, solb na solb din ang dalawa pagdating sa kama. Kung gaano sila ka-expressive in public at walang kiyemeng pag-PDA, mas lalo naman kapag silang dalawa lang ang nakakulong sa kuwarto. Too hot to handle talaga!

Dahil sa napaka-positive na resulta sa pahinang ito, mukhang kailangan talagang bantayan nina Dingdong at Princess sina Marian at Tom, ‘huh?! Pwede rin naman ang dyowa swapping, ‘dabash?! Haha! Sige na, try lang natin. Game?!

 

PHOTO: MARIAN RIVERA/ TOM RODRIGUEZ

By Madamme Damin

Pares-Pares

By Madam DaminTom Rodriguez & Marian Rivera: Too Hot to Handle!

ADVERTISING