Tom Rodriguez & Katrina Halili: Is There A Possibility?

ADVERTISING

Tom-Rodriguez-Katrina-HaliliTOM RODRIGUEZ
Real Name: Bartolome Tomas Alberto Rodriguez Mott
Birthdate: October 1, 1987
Zodiac Sign: Libra

KATRINA HALILI
Real Name: Maria Katrina Iren Pe Halili
Birthdate: January 4, 1986
Zodiac Sign: Capricorn

ISANG BAGONG tambalan na naman ang ipapakilala ng GMA-7 bago magtapos ang Mayo! Ang NIÑO ang pinakabagong drama series na aantig sa ating mga puso. Ang Starstruck Kid turned Tween Star na si Miguel Tanfelix ang bida rito, pero sa pilot week ay magpapakita ng ka-sweetan at pagmamahal sina Gabriel at Hannah, na gagampanan nina Tom Rodriguez at Katrina Halili. Bale silang dalawa ang real parents ng ating ispesyal na bida.
First team-up sa telebisyon nina Tom at Katrina. Si lalaki ay galing sa Pinoy Big Brother at produkto naman ng Starstruck ang babae. Is there any chance na magka-debelopan ang dalawang reality TV casts turned drama stars? Hmmm…
Ang Libra at Capricorn ay somewhat different and somewhat alike. Ang kanilang relasyon ay nakadepende sa kung hanggang saan nila kayang mag-adjust sa kanilang differences. Extrovert ang Libra kaya gusto nito na laging nakikipag-usap sa madlang pipol. Madali itong ma-bore kaya dapat palagi itong ma-excite. Ang Capricorn naman ay masyadong seryoso sa buhay lalo sa usaping career. Mas demanding sa oras ang Libra kaysa sa Capricorn.
Ngunit huwag tayong mawalan ng pag-asa, ha? Kung mag-e-exert ng effort ang dalawang kampo, they might even complement each other! Ang Capricorn ang bahala sa security and serious matters, habang ang Libra ang may contacts at kilala nito ang who’s who na mapakikinabangan nila. Patience is the keyword for this union to last.
Very expressive pagdating sa kanyang romantic feelings ang Libra, habang may pagka-aloof and private naman ang Capricorn. Maaaring ma-misinterpret ng una na nire-reject ito ng huli sa tuwing pumapalag sa pinapakitang romantic gestures. P’wede rin naman nilang pagsabihan ang isa’t isa on how to act in public and private para maiwasan ang break-up.
Sa totoo lang, konti lang ang Libra-Capricorn lovers ang nagkakatuluyan, pero may chance ito. Todo effort and patience lang ang katapat! Hindi naman malandi ang Libra, pero mahilig itong makipag-mingle sa opposite sex, na maaaring ikagalit at ipagselos ng Capricorn.
TOMKAT may or may not be together in the end. For the meantime, siguradong in love ang mga NIÑO stars sa kani-kanilang dyowawits. Shoutout to Kris Lawrence and K-La Rivera! Charing!

Pares-Pares

By Madam DaminTom Rodriguez & Katrina Halili: Is There A Possibility?

ADVERTISING
ADVERTISING