Tom Rodriguez, kakutsaba ang handler sa pande-deadma ng fans?

ADVERTISING

Tom Rodriguez, kakutsaba ang handler sa pande-deadma ng fans?

1 Tom-RodriguezPANSAMANTALA LANG pala ang pagiging sweet at mabait kuno sa kanyang mga tagahanga ni Tom Rodriguez dahil balik sa pagiging maldito at sa pagwawalang-bahala sa kanyang avid fans. Kakutsaba pa nito ang equally maldita at walang pagpapahalaga sa mga tagahanga ni Tom na si Jackie something na handler niya.
Tsika pa ng aming source, may isang avid supporter daw ni Tom na nag-request na mag-video greet para sa isang super fan ng GMA actor na inayunan naman nito at ng kanyang starlet na handler.
Papasok na sana sa dressing room ang nasabing supporter para mag-video greet pero sinabihan daw ito ni Jackie na maghintay na lang sa labas dahil mag-aayos pa raw si Tom. Pero lumipas ang 30 minutes, pero wala pa ring abiso ang nasabing handler. Imbes na pagbigyan ang nasabing supporter nito, nag-text ito na busy pa raw si Tom at magbabasa ng script.
At dahil medyo close ito kay Tom, kaya tinext niya ito. Pero deadma lang daw ang actor at hindi sumagot. Kaya ang ending, nagbaka-sakali at naghintay na lang ang pobreng supporter sa pagbabaka-sakali na mapagbigyan ang hiling niya. Pero lumipas ang ilang oras, walang Tom na lumabas. Kaya naman daw umuwi na lang itong inis na inis at sinabi sa sarili na hinding-hindi na niya susuportahan ang dating iniidolong actor.
Kahit nga raw ang mga presidente ng fans club ni Tom ay asar at galit na rin dito maging sa handler nitong si Jackie na kung makaasta raw ay feeling GF ni Tom. Hindi kaya ang ending, bumalik sa pagiging starlet si Tom, katulad ng nasa ABS-CBN pa siya sa inaasta nila ng kanyang handler? ‘Yun na!

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING