Tom Rodriguez, hinimatay sa taping ng serye dahil sa gutom?

ADVERTISING

Tom Rodriguez, hinimatay sa taping ng serye dahil sa gutom?

Tom-RodriguezTOTOO KAYA ‘yung narinig naming kuwentong hinimatay daw si Tom Rodriguez sa taping ng My Destiny dahil sa pagod?

Sunud-sunod kasi ang trabaho ni Tom at bukod pa riyan, grabe ang pagpapayat niya bilang paghahanda sa pagrampa niya sa Bench Denim and Underwear show mamayang gabi.

Matindi ang preparasyon ng Kapuso actor sa show na ito dahil rarampa siyang naka-underwear kaya dapat maganda ang katawan niya.

Medyo tumaba kasi, kaya nagpapayat ito nang husto.

ADVERTISING

Ang sabi sa amin, ang kinakain lang daw nito, puti ng itlog at minsan daw kamote.

Ayun! Hinimatay tuloy sa sobrang gutom siguro.

Kaya iniingatan ito na huwag siyang masobrahan at baka nga naman magkasakit pa sa sobrang pagpapayat.

Pero mamayang gabi naman ang rampa niya sa Bench, kaya dapat pagkatapos nito, balik na siya sa pagkain.

Guest namin si Tom sa Startalk bukas para i-promote ang bagong game show niyang Don’t Lose the Money na magsisimula na sa Lunes, September 22 ng umaga.

Pag-uusapan namin ang pagrampa niya sa Bench at itong matindi niyang pagpapayat.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING