Tom Rodriguez, handang maghubo’t hubad!

ADVERTISING

Tom Rodriguez, handang maghubo’t hubad!Tom Rodriguez, handang maghubo’t hubad!HINDI MAN NAGING grand winner sa PBB si Tom Rodriguez, hataw naman ito sa dami ng projects sa Kapamilya network. Leading man siya nina Eugene Domingo at Angelica Panganiban sa Here Comes the Bride at love interest ni Valerie Concepcion sa Precious Hearts Romances presents Love Me Again.

Sa love scene ni Tom with Uge at Angel, magkahalong nerbiyos at takot ang naramdaman ng binata habang ginagawa nila ang nakaaaliw na eksena sa kama. Buti raw inalalayan siya ng dalawa, tinuruan kung ano ang dapat gawin para maging kuwela sa audience ang bed scene nila.

Pangarap ni Tom na mai-paint ng nude sina Dolphy at Ms. Gloria Diaz. Maganda raw i-capture ‘yung imperfection ng isang tao dahil ‘yun ang totoo niyang panglabas. Given a chance, willing siyang mag-pose ng nude even in film. He can do it because it’s an art for him.

Sinasabing next in line si Tom as hearthrob, guwapo, simpatiko at oozing with sex appeal. “I’ll try to do the best I can. I’ll try to learn the craft in general. Sabi nga nila, ‘yung hitsura ko raw pang-matinee idol. That’s true, pero gusto kong maging character actor, kasi masarap maging kontrabida,” pasimula niya.

May pagmamalaking ibinida ni Tom na idol niya si John Lloyd Cruz. Bilib daw siya rito as an actor. “I watch his movie Miss You Like Crazy. Grabe, sobra akong nadala roon. It’s seem so natural ‘pag pinanood mo, parang nangyayari talaga,” aniya.

ADVERTISING

Wala ring kiber si Tom kahit gay role ang maging papel niya sa teleserye o pelikula. “Nakausap ko si Gardo Versoza who played gay role in the past. It’s very challenging… kapag kaya ko na. It’s an interesting role to take, as an actor wala pa akong maibibigay, I’m still learning the craft,” paliwanag ng binata.

KAHIT SANDALI LANG, nakatsikahan namin si Angelica Panganiban. Two years ago, nagplano na pala sila ni Derek Ramsay na pumunta ng South Africa. Last year, nagpaalam ang dalawa kay Mr. Johnny Manahan (Star Magic big boss), for one month vacation abroad, pinayagan naman sila.

“Sobrang excited kami ni Derek sa trip namin. Lahat ayos na ‘yung activities na gagawin namin pagdating doon, mag-swimming, sky diving… Pagbalik ko, aalis uli ako. May trabaho akong gagawin,” say ni Angel.

Reaction ni Angelica nu’ng time na front page sa Pinoy Parazzi ang controversial photo nila ni Derek? “Ang taray! Siyempre, nag-react si Mr. M (Johnny Manahan) kung ano ‘yung magiging reaction ko. Alam naman nilang kaya ko namang dalhin ‘yun.”

Na-shock ba ang parents mo sa larawan ninyo ni Derek? “ Siyempre, sila  ‘yung napikon sa nangyari. Pero kailangan mong pakalmahin, ‘yun ang reality ng industriya.”

Hindi ka ba nagalit sa naglabas ng inyong larawan sa tabloid ? “Hindi na uso ‘yun ngayon, gusto ko positive na lang,” turan ni Angelica na parang alam nila kung sino sa mga kaibigan nila ang nagbenta ng kanilang private photos. “Ayaw naming mag-pinpoint, ayaw naming paliitin ‘yung mundo namin, ayaw naming magalit, ayaw namin ng ganu’n.”

Sa side naman ng parents ni Derek, ano ang naging reaction nila? “Tawa lang sila ng tawa nang makita ‘yung picture namin ni Derek,” simpleng sagot ni Angel.

Sa takbo ng kanilang relasyon, mararamdaman mong totoong tunay silang nagmamahalan. Kung dati-rati, hindi naniniwala sa kasal si Derek, ngayon iba na ang pananaw niya sa buhay. Willing na siyang magpakasal sa babaeng mahal niya at si Angel ‘yun.

“May mga personal kaming pinag-uusapan tungkol sa ganoong bagay. Siyempre, nakaka-impress naman ‘yung kung gaano siya ka-gentleman. Sa usapang seryosohan, wala pa. Puro asaran lang. At least ngayon puwede na namin siyang pag-usapan kahit in a funny way. Dati kasi wala lang…” paliwanag ng Angelica.

‘Yung away-bati, cool off period nina Angelica at Derek, paano kaya nila naayos ang gusot sa kanilang relasyon? “Siguro kaya kami nagpapahinga para maayos namin ‘yung relasyon. Hindi naman ibig sabihin noon magpapahinga dahil ayaw na namin. Minsan sa isang relationship kailangang humulagpos, kailangan ninyong huminga para magising kayo, balik kayo sa reality na tao tayo, hindi tayo artista, ‘di ba?” Sa himig ng pananalita ni Angel nagpapatunay lamang na matatag na ang pundasyon nila bilang lovers.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING