Tom Rodriguez at Carla Abellana, ‘di na isyu kung sila man

ADVERTISING

Tom Rodriguez at Carla Abellana, ‘di na isyu kung sila man

Carla-Abellana-Tom-RodriguezWORTH WATCHING ang mga teleseryeng Niño, My Destiny at Ang Dalawang Mrs. Real ng GMA-7. At first, ‘yung show lang nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang aming pinapanood. Pero nu’ng umpisahan na naming subaybayan ang Niño ni Miguel Tanfelix at ng child star na si David Remo bago mag- Destiny, nag-enjoy na kami sa mga artistang nagsisiganap.

May acting talent sina Miguel at David, na-motivate maigi ni Direk Maryo J. delos Reyes ang dalawang bagets, naging natural ang kanilang mga eksena. Larawan ng kawalang-malay ang mga ito kung mag-usap. Mararamdaman mo kay Miguel, kahit 15 years old na siya, may mental incapacities. ‘Yung pagiging batang-isip niya, bumagay sa kanyang character na pino-portray.

As always, magaling ang acting performance ni Angelu de Leon last Monday, moment niya ‘yun. Nang malaman niyang si Don Pedro (Dante Rivero) ang nakasagasa sa kanyang mga magulang, 25 years ago, dahil sa pag-amin nito sa kanyang kasalanan at humihingi ito ng kapatawaran kay Leny (Angelu) sa nangyari. Gusto lang ituwid ni Dante dahil binabagabag siya ng sarili niyang konsensiya at nakahanda ito kung anuman parusa ang ibibigay sa kanya ni Angelu.

Ang nakakatuwa pa sa drama series na Niño, kahit maraming artistang involve na naka-support kay Miguel at David, may mga mahalagang papel silang ginagampanan kaya’t nakae-enjoy panoorin. Pati takbo ng istorya, may aral kang matututuhan lalo na ang mga bata.

ADVERTISING

 

HINDI NA kami nabigla nang may lumabas na item na may mutual understanding nang namamagitan kina Tom Rodriguez at Carla Abellana na lead stars ng heartwarming drama My Destiny. Parehong single ang dalawa at inamin nilang may posibility na ma-develop sila sa isa’t isa habang ginagawa nila ang nasabing serye.

Sa mga sweet moment nina Tom at Carla sa MD, ramdam namin galing sa puso nila ang pinapakita nilang sweetness together. Ini-enjoy nila ang bawat eksena lalo na ‘yung pagiging mag-dyowa sa show. Pareho silang natural na natural umarte, tipong totoo sa tunay na buhay ang kanilang relasyon kaya’t lalong kinikilig ang manonood lalung-lalo na ang kanilang mga fans. Perfect sila together, sana nga totoong sila na nga. Ikatutuwa ito ni Direk Joyce Bernal, mas malalagyan niya ng kakaibang flavor ang mga romantic scene nina Tom at Carla.

Sa tingin ko, ini-enjoy lang nina Tom at Carla ang isa’t isa. Nothing serious whatever relationship they have right now. Sabi nga nila pareho, if ever destiny nilang sila ang magkatuluyan sa bandang huli, mangyayari ‘yun… huwag nating apurahin ang mga bagay-bagay.

Ang balita namin, number one ngayon sa taas ng rating ang My Destiny. Hataw pa sa dami ng commercial kaya’t palagi kaming bitin kung ano na ang susunod na mangyayari…

 

MAGING ANG drama series nina Maricel Soriano, Lovi Poe at Dingdong Dantes na Ang Dalawang Mrs. Real ay kinagigiliwan din ng manonood. Nakare-relate kasi ang viewing public sa bawat character na ginagampanan ng tatlong bida sa serye.

Naging sentro ng usapan ang sampalan scene nina Maricel at Dingdong. Totoong-totoo talaga ang sampal na pinakawalan ni Maria sa actor. Maging ang eksena ng veteran actress kay Lovi na may kasama pang sabunot at haltak sa buhok na ininda ng dalaga ay ikinawindang ng mga tagasubaybay. Gusto kasi ni Direk Andoy Ranay na maging realistic ang scene. Ayaw nitong dayain ang manonood. Puro take one lang, after the take, nagso-sorry naman si Maricel sa kanyang co-stars na sina Lovi at Dingdong.

Sobrang happy si Direk Andoy sa performance na ibinibigay ng kanyang mga artista. Ang sarap daw katrabaho nina Maricel, Lovi at Dingdong. Nakararami sila ng sequences na kukunan dahil puro magagaling ang mga ito kaya’t inspired palagi si Direk Andoy magtrabaho. Minamani lang nilang tatlo ang mga heavy scene na kinukunan niya lalong-lalo na raw si Maria.

Ayon kay Direk Andoy, saludo siya sa acting power ng Diamond Star. Hindi nawawala ‘yung brilyo nito as an actress. Pati sina Dingdong at Lovi, ibinibigay nila ang best pagdating sa acting. Kitang-kita naman sa bawat eksenang napapanood natin. Walang itulak kabigin, ang gagaling nila maging sina Coney Reyes, Jaime Fabregas, Mark Abaya, Susan Africa, at Tommy Abuel outstanding ang kanilang performance. Kaabang-abang talagang panoorin…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING