Tom Rodriguez at Carla Abellana, buking na ang relasyon

ADVERTISING

Tom Rodriguez at Carla Abellana, buking na ang relasyon

Tom-Rodriguez-Carla-AbellanaHINDI LANG nila maamin pero magdyowa na  sina Carla Abellana and Tom Rodriguez.

Nasulat kasi na balak palang magbakasyon ng dalawa sa Sydney, Australia para manood  ng concert ni Katy Pery sa Nov. 25. Limang araw na mawawala ang dalawa sa bansa, from November 24-28.

No, they will not be with each other lang. Kasama nila ang mother and sister ni Carla. Nag-tweet pa nga ang Kapuso actress sa kanyang friend asking some help. Ang nakakaloka, isang special someone ang sabi ni Carla sa friend niya na makakasama niya.

Nabuking ang bakasyon nina Carla at Tom nang magpa-book si Carla ng ticket kasama ang mommy niya, ang sister niya and one  Bartolome Alberto Mott. Da who si Bartolome? Well, ‘yun lang naman ang real name  ni Tom. Actually, Tom’s complete name is Bartolomé Tomas Alberto Rodriguez Mott.

ADVERTISING

Sabi ni Carla sa isang interview, kung manligaw man si Tom sa kanya ay okay lang, pero wala siyang maibibigay na time. Sobra kasi siyang busy sa kanyang career. Dalawa ang show niya sa Siyete at meron pasiyang ginagawang commercials.

Naku, Carla, mukhang you’re lying. Eh, bakit ikaw pa ang nagpa-book ng ticket at nag-asikaso ng visa kung wala kang time?Hindi ba’t time ang maibibigay mo kay Tom sa limang araw ninyong bakasyon sa November?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING