Tom Rodriguez, bitin sa trip

ADVERTISING

Tom Rodriguez, bitin sa trip

Tom-RodriguezBITIN ANG recent trip sa U.S. ni Tom Rodriguez. Three days lang kasama na ang tig-14 hours na flight papunta at pabalik. Kasama niya na nag-show doon si Carla Abellana at ilan pang Kapuso stars.

“Sobrang bilis,”aniya. “Pero gano’n pa man, nasulit ko siya nang sobra. Kasi I get to see my family. At iyon ‘yong talaga ang pinaka-highlight ng pagpunta ko ro’n.

“At saka isang highlight pa ay ‘yong sobrang daming taong pumunta at naki-enjoy sa amin, nakisaya sa amin no’ng gabing ‘yon. Ang sarap! Ang sarap ng pakiramdam na punum-puno ‘yong Redondo Beach Performing Arts Center. I think we had like over one thousand five hundred people attended. And more were waiting outside wanting to come in.

“Kaya ang sarap ng feeling na lahat sila e, todo-suporta sa ating mga Kapuso do’n sa LA. Ang sarap nilang magmahal! ‘Yong family ko, nanood din sila ng show. At kasama ko sila sa hotel, so kahit papano meron kaming mga bonding moments.”

ADVERTISING

May pictures nga na lumabas sa social media kung saan kasama nila ni Carla ang buong pamilya niya.

“Inihatid kasi ako ng family ko sa airport nang pabalik na ako sa Manila. E, kasabay ko si Carla since may work din siya. ‘Yong iba nag-extend ng stay nila sa LA. Kami (ni Carla) dumiretso sa trabaho. Kaya my family was there to send us off. ‘Yon… we were there.”

Kumusta na ba ang relationship nila ni Carla sa ngayon?

“Well she’s very special to me. I think that’s the… iyon ‘yong masasabi ko ngayon. She’s special. She’s special to me. Special in my life.”

At pareho nga nilang nai-inspire ang isa’t isa?

“I would like to hope na… I inspire us well. Kasi para sa akin, she’s a really big inspiration.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING