Tom Rodriguez balak anakan agad si Carla Abellana

MALAPIT-LAPIT NA ang highly-anticipated wedding ng longtime-couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. May challenges na kinakaharap pagdating sa wedding preparations ang dalawa dahil na rin sa trabaho at sa Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.

Tom Rodriguez balak anakan agad si Carla Abellana
Carla Abellana and Tom Rodriguez

Sa October 23,2013 ang wedding date na gaganapin sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytag Highlands. Kung ang ibang couples ay pipiliin na huwag muna magtrabaho months bago ang kanilang special day, iba ang kaso nina Tom at Carla.

Kasalukuyang pinapalabas sa GMA Primetime ang ‘The World Between Us’ kung saan si Tom Rodriguez ang kontrabida kina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Samantala, tinatapos na ni Carla Abellana ang lock-in taping para sa kanyang upcoming series na ‘To Have and To Hold’ kung saan makakasama naman niya sina Rocco Nacino at Max Collins.

Ang balak ng mag-asawa ay magtrabaho muna bago ang kanilang pag-iisang dibdib para makapag-concentrate sa kanilang married life. Sa katunayan, main goal ni Tom na mabuntis agad ang kanyang napakagandang misis.

“Ni-request ko talaga, buti napapayag ko, para maka-dalawa pa kami,” sambit pa nito sa virtual press conference para sa ‘The World Between Us’.

Swak na swak ang plano ng mag-asawa dahil may naipundar naman na sila. Oras na para ang pagbuo naman ng sariling pamilya ang kanilang asikasuhin.

Samantala, karamihan ng mga family members ni Tom ay nasa Amerika kaya baka virtually na lamang sila makaka-attend ng wedding. Pili lang din ang guests na makakasama sa special day ng soon-to-be Mr. and Mrs. Mott.