Tom Rodriguez at Carla Abellana, wala raw label ang kanilang relasyon

ADVERTISING

Tom Rodriguez at Carla Abellana, wala raw label ang kanilang relasyon

Carla-Abellana-Tom-RodriguezSA PRESSCON ng No Boyfriend Since Birth ng Regal Films, inusisa namin kay Tom Rodriguez ang tunay na status ng relasyon nila ni Carla Abellana na leading lady rin niya sa movie. At ayon sa actor, what you see is what you get lang daw ang drama nila.

ADVERTISING

“I really genuinely enjoy every moment we spend together whether at work. Our working relationship is still good as ever. In fact, I find myself enjoying the whole process more and more,” sey pa niya.

Ayon pa sa binata, mga isang taon at 4 na buwan na raw silang exclusively dating ni Carla.

Sabi naman ni Carla, ayaw nilang lagyan ng label ang kung anong relasyon meron sila ngayon ni Tom.

ADVERTISING

“Lagi naman po naman naming sinasabi na special kami sa isa’t isa. Tom is very special to me and Tom always says I’m very special to him. So, lagi naming sinasabi, kung ano po ang gusto ninyong isipin, kung ano po ang gusto ninyong itawag sa amin. “Ay, magdyowa ‘yan”, okay. Nasa sa inyo po ‘yun. Kayo po ang magbibigay ng label,” katwiran pa niya.

“Whenever we say we’re very special to each other, I don’t think that’s the (basis), more than anything, what you see is really what you get. When I say she’s very special to me, she’s very special to me and I don’t mean to be wasting both our time,” hirit naman ulit ni Tom.

Ipalalabas na ang NSBP sa Nov. 11 under the direction of Joey Reyes.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING