Tom Rodriguez at Carla Abellana, swak in reel and real lives

ADVERTISING

Tom Rodriguez at Carla Abellana, swak in reel and real lives

Tom-Rodriguez-Carla-AbellanaCLICK SINA Tom Rodriguez at Carla Abellana. Pareho raw kasing nerdy ang dalawa. Book worm sila pareho, at si Tom, super duper ang pagkahibang sa Mathematics na nang i-explain niya sa amin ang mga number symbols, napraning kami na hindi namin maintindihan.

Geek kung tawagin si Tom at si Carla naman ang female counterpart ng binata. Kaya nga siguro in reel and real life, swak sila.

Ayaw mang aminin ng dalawa na sila na at may “something” na namamagitan sa kanilang dalawa, tama ang timpla nila. Sa trailer ng NBSB (No Boyfriend Since Birth) ng Regal Entertainment na palabas na sa Wednesday, ang cute nila sa screen. May kiliti, huh!

Hindi ko ma-imagine na iba ang kapartner nila in real life na siguradong mabo-bore sa kanila dahil hindi sila masasakyan sa kanilang mga hilig.

ADVERTISING

Bukod sa Math na hilig ni Tom, magaling din ang kamay niya sa pagguhit or pagdo-drawing.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING