Tom Mott ng PBB, balak itambal kay Judy Ann Santos! – Chit Ramos

Tom Mott ng PBB, balak itambal kay Judy Ann Santos! - Chit Ramos

Tom Mott ng PBB, balak itambal kay Judy Ann Santos! - Chit RamosUMAARANGKADA NA nga ang showbiz career ni Tom ng PBB (Double Up), tulad ng hula ng Bullchit. Kasama na siya sa Cheating Hearts nina Jake Cuenca at Cristine Reyes. At natitipuhan pa siya ni Alfie Lorenzo na maging leading man ni Judy Ann Santos sa pelikulang gagawin niya with Sarah Geronimo para sa Viva Films. At sana, matuloy ang pagko-co-produce nito ng Star Cinema. Otherwise, lalong mas mahirap na payagan si Tom kung walang participation ang Star Cinema.

It is a real BIG break for Tom kung sakaling pakingang ang suhestiyon ni Alfie. Matutulad talaga siya kay Sam Milby na first movie pa lang ay kasama na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Magpaparaya naman siguro si Zanjoe Marudo na siyang original choice para makatambal ni Judai. Sa dami ng blessings ni Zanjoe ngayon, he won’t mind sharing it with a newcomer who needs the break badly. Sobra-sobrang papuri ang natatanggap ni Zanjoe ngayon dahil sa husay niya sa Lovers in Paris. Tinotoo niya ang hamon ng movie press na “kabugin” si Papa Piolo Pascual sa acting. At hindi lang si Papa Piolo ang kinabog niya, kundi si Christopher de Leon, at Mark Gil din.

Nagpaka-humble din si Zanjoe when he declared na “pinagbigyan” siya ng tatlong premyadong actor. “Tinulungan nila ako,” ani Zanjoe. “Hinayaan nila akong mag-shine at nagpapasalamat ako sa kanila.” Sabi naman ng movie press-turned-fan niya. “Kung wala siyang talent, kahit anong tulong at pagpaparayang gawin ng mga kasama niya, mababale-wala rin. Sadyang may natatago siyang talento na lumitaw na!”

Going back to Tom, tuluy-tuloy ang magandang pagtanggap sa kanya sa lahat ng showbiz activities niya. Ang mga mall shows, personal appearances, lalo na ang recent guesting niya sa Wowowee noong Sabado ay katunayan na he’s really on his way. Siya ang may pinakamalakas na palakpakan among the PBB (Double Up) evictees. At muli niyang pinatunayan ang husay niya sa pagkanta. May pakiusap lang ang kanyang followers. Ipako raw sa krus ang hair stylist niya ngayon. At ibalik ang dati niyang simpleng hairdo na siyang napanood noong nasa loob pa siya ng PBB (Double Up).

BONGGA ang Sharon ni Megastar Sharon Cuneta kahapon, Linggo.

Huwag naman sanang sabihin na napapabayaan na ni Megastar ang show niya dahil sa shooting ng Mano Po 6 para kay Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment.

“Kahit replay ang palabas namin, hanep naman ang guesting nina Ketsup Eusebio, Thou Reyes, Alwyn Uytingco, Charles Christianson, Nova Villa, Martin Nievera, Gary V, Foxy Ladies, Arwind Santos, Saicy Aguila, Alex Crisano, Rayver Cruz, Arron Villaflor, Archie Alemania at Joshua Zamora. Para itong pa-mhin episode na panay-panay ang request from the audience na i-replay. Ganun katindi ang effect,” wika ni Krissy Baluyot, Sharon E.P.

“Lagi namang may pambawi si Sharon sa bawa’t atraso niya sa Sharon. Kung napanood n’yo, you will know what I mean,” patuloy ng aming kausap.

ISANG GEOLOGIST PALA ang dakilang ama ni Rafael Rosell. At pareho namang Economics ang pinag-aaralan ngayon ng dalawa niyang kapatid na 20 at 13 years old na ngayon.

“Natatakot nga ako na baka tawagin,” aniya nang mainterview natin sa presscon ng Darling Kong Aswang. Hindi ko naintindihan ang pahayag niya dahil hindi ko napanood ang nakakatakot daw na pelikulang 2012. “Sobrang makatotohanan ang movie at posibleng mangyari.” Patuloy niya. Kasalukuyang nasa Abu Dhabi ang kanyang pamilya dahil doon naka-assign ang kanyang Daddy. At kamukha rin daw niya ang kanyang dalawang kapatid. Bakit ‘kako hindi nag-artista? “Na-trauma,” natawa niyang sabi. They were here for a vacation, pero, sa three weeks na stay nila rito, bibihira nila akong makasama. I was always working. Anyways, gagawan ko ng paraan after Christmas na dalawin sila dahil malapit lang dito ang Abu Dhabi. I miss them.”

BULL Chit!
by Chit Ramos