To prove if he’s indeed the father: Albie Casiño, willing to undergo DNA Testing!

BLIND ITEM: MERONG nagtu-tweet sa amin, kaibigan ng misis ng isang magaling na aktor, pero hindi masyadong visible sa TV si aktor. Although ang alam namin, kasama siya sa isang teleseryeng hindi pa naipapalabas hanggang ngayon.

Ang sumbong niya,  ang kapal daw ng mukha ng aktor. Palibhasa raw manghuhuthot ng bading. Me anak daw ito sa kaibigan niya, pero hindi na nga nagsusustento, nanghihingi pa raw.

At ang masaklap pa, “Sobra ho siya kung manakit ng misis niya. Ewan ko ho kung nakadroga ba siya ‘pag binubugbog niya ‘yung kaibigan ko o talagang walang-wala lang siya sa buhay!”

Meron pa raw isang babaeng naanakan ito, “Hindi ko lang alam kung ‘yun din ang ginagawa niya sa babae. Sana, magbago na siya. Kaya hindi umusad-usad ang career niya dahil iba ugali niya.

“’Pag wala ngang pera ‘yan, naghahanap ng bakla ‘yan, eh!”

Hahahaha! Naaaliw na lang kami sa kuwento. Hindi naman agad namin mapaniwalaan, dahil hindi naman namin kilala ‘yung ka-DM namin sa Twitter. Tsinek pa namin ang Twitter account nito.

Halatang nagbukas lang ito ng Twitter account para i-follow kami at isumbong sa amin ang isyu ng aktor sa misis nito, dahil kami lang ang kaisa-isang pina-follow nito. Wala nga namang ibang follo-wers na puwedeng mag-follow sa kanya, dahil zero din ang number ng followers niya.

Eh, naaalala namin. Nu’ng isang araw, sa isang coffee shop ay nakita naming pumasok ang aktor na tinutukoy. Sinita pa nga namin dito ang bonggang kalmot nito sa braso at biniro naming, “Nakipag-away ka na naman sa nanay ng mga anak mo, ‘no?”

As usual, idinenay. Pero puwede rin namang kalmot ‘yon ng baklang mahahaba ang kuko, ‘di ba? Hahahaha!

Anyway, hindi para husgahan namin siyang nambubugbog siya ng dyowa niya.

Si aktor ay nandito sa ‘Pinas at wala sa ______.

HINDI NAMAN PORKE wine-welcome ng kampo ni Albie Casiño ang DNA Testing to prove kung anak nga niya ‘yon ay nangangahulugan nang pinagdududahan na ng bagets ang pakikipagkaibigan ni Andi Eigenmann sa ibang lalaki.

Hindi rin naman natin maiaalis sa pamilya ni Albie na i-welcome nila ‘yon, dahil on and off ang relasyon ng dalawa. Although ang nakakatuwang sinabi ng mommy ni Albie sa amin ay, “Blessing ang baby, Ogie. Kung talagang sa anak ko ‘yan, fine. Eh, gano’n talaga eh. Nandiyan na ‘yan, tanggapin na lang natin.

“But my son is worried about me. Kasi, alam mo naman ‘yan, ayaw niya ‘yung nagsasabi pa ng problema sa amin ng dad niya, kasi nga, ayaw niyang mamroblema kami. Me hypertension kasi ako, kaya ayaw ni Albie na magagalit ako o magwo-worry.

“Pero kailangan kami ng anak ko ngayon. Kaya nga, when this came out, sabi ko nga, God won’t give me worries I cannot handle. Kaya namin ‘to.”

TOTOONG ANG DAMING biniling tickets ni Kris Aquino sa Ticketnet para sa concert ni Vice Ganda mamayang gabi. Sabi ni Kris, suporta niya ito sa kanyang bagong bestfriend.

At ang nakakalokah pa rito, sa dami ng binili ni Kris, nagkulang pa, dahil ang daming humihingi sa kanya. Kaya ayun, tawag na naman ang assistant niyang si Alvin sa isang staff ng Viva Concerts para magpa-reserve ng VIP seats.

Sa kasamaang-palad, wala na, ubos na. Mamayang gabi pa lang bubuksan ang last two rows para i-accommodate ang gusto pang manood sa patron, dahil ubos na nga ‘yung P3,710 worth of every seat.

Kami nga ay nanigurado na. Bumili kami talaga for my mag-iina, nanay at kapatid, dahil kulang ‘yung compli tickets na bigay sa amin.

Binuksan na rin ang bandang likuran ng lower box at upper box, pero laging sinasabi ng mga taga-ticketnet na gilid na lang ni Vice ang mapapanood nila, dahil paikot na ng Araneta ang ibinebenta.

Nakakalokah naman ‘yung iba na me kapasidad namang bumili ng ticket kumbakit naghihintay ng compli. Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articlePinoy Parazzi Vol 4 Issue 84 June 29 – 30, 2011
Next articleSweet Charity Change

No posts to display