‘To Have and To Hold’ nina Carla Abellana, Rocco Nacino at Max Collins mapapanood na sa GMA

MAPAPANOOD NA simula ngayong gabi, September 27, ang pinakabagong dramang aabangan ng mga Kapuso viewers sa primetime na ‘To Have and To Hold‘. Led by Kapuso Prime Drama Stars Carla Abellana, Rocco Nacino and Max Collins, siguradong papaibigin at papaiyakin tayo ng programang ito gabi-gabi.

'To Have and To Hold' nina Carla Abellana, Rocco Nacino at Max Collins mapapanood na sa GMA
‘To Have and To Hold’ stars Carla Abellana, Rocco Nacino and Max Collins

Ang ‘To Have and To Hold’ ay isang interesting show tungkol sa challenges na nararanasan ng mga married couples na magkakaiba ang priorities sa buhay. Sina Dominique (Max Collins) at Gavin (Rocco Nacino) ay matagal nang kasal, pero nasa bingit na ng paghihiwalay ang kanilang pagsasama.

Sa dinami-rami ng problemang kinakaharap ng mag-asawa ay magpapakilala ang isang mysterious woman named Erica (Carla Abellana) na may bitbit na impormasyon tungkol sa relasyon ni Dominique sa kanyang mister (played by Rafael Rosell).

Timely ang marital issues na tina-tackle sa seryeng ito dahil may mga pagkakataon naman talaga na hindi tugma ang priorities ng mag-asawa. Ito minsan ang nagiging hudyat ng hindi pagkakaunawaan or worse, infidelity and separation.

Sa teaser trailers na ipinakita noon ng GMA Network ay intriguing na si Carla Abellana ang naka-itim. Kung sakali, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikita natin ang soon-to-be bride in a bida-kontrabida role. First time din magtatapat ang Kapuso beauties na sina Carla at Max sa teleserye at siguradong visually appealing ang kalalabasan ng serye.

Si Rocco Nacino naman ay worthy replacement para sa papel bilang Gavin, na originally ay intended for Derek Ramsay. Hindi pa raw handa ang hunk actor na sumabak sa lock-in taping dahil kahit siya ay naghahanda sa kanyang real-life marriage with Ellen Adarna kaya naman ang newly-married na si Rocco ang pumalit sa kanya.

Interesting casting, intriguing story. Kung avid fan kayo ni Carla Abellana, lubusin niyo na ang panonood dahil soon ay ikakasal na ito sa kanyang real-life leading man na si Tom Rodriguez. Let’s support, mga Kapuso!