Tiya Pusit, natagalang makakuha ng pagbuburulan

ADVERTISING

Tiya Pusit, natagalang makakuha ng pagbuburulan

Tiya-PusitNASA ST. Peter Chapel na pala nakalagak ang mga labi ni Tiya Pusit na natagalan bago sila nakakuha ng kuwarto dahil punung-puno iyon.

Alam ko, si Mayor Herbert Bautista ang tumulong kaya nakakuha sila ng kuwarto at natuloy ang burol.

Hanggang bukas yata ang burol, pero wala pa silang announcement kung kailan ang libing.

Itinuloy pa rin nila ang benefit show para kay Tiya Pusit na pinagtulungang ma-organize nina Lotlot de Leon at Elaine Lozano.

ADVERTISING

Ang malilikom na kikitain sa show na iyon sa Zirkoh ay ibibigay raw sa mga anak ni Tiya Pusit.

May kulang pa yata sila sa bill nila sa hospital at kailangan nilang bayaran iyon.

 

MAMAYANG HAPON na magsisimula ang bagong drama series ng GMA 7 na Lihim ni Annasandra na pagbibidahan nina Andrea Torres, Mikhael Daez at Pancho Magno.

Ito raw ang pinaka-daring na serye  ni Andrea dahil lagi yata siyang nakahubad dito kapag nagbabago siya ng anyo.

Pero sa totoo lang, mas excited ako rito kay Pancho dahil lead role na ang ibinigay sa kanya rito.

Sexy naman si Pancho eh, kaya hindi lang si Andrea ang magpapa-sexy rito kundi pati ang mga boylets gaya nina Pancho at Mikhael.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING