Tiya Pusit, ‘di na nahintay ang concert para sa kanya

ADVERTISING

Tiya Pusit, ‘di na nahintay ang concert para sa kanya

Tiya-PusitNATULOY KAGABI, October 5, ang “Concert for A Cause”, isang fund-raising show na ginawa para sa yumaong komedyana na si Tiya Pusit, sa Zirkoh Tomas Morato, with various artists.

ADVERTISING

Kabilang sina Lotlot de Leon, Elaine Lozano, and Shyr Valdez in organizing this event, na naisip gawin noong nabubuhay pa si Tiya Pusit, para makalikom nga ng funds sa mga bayarin nito sa hospital kunsaan siya naratay nang ilang linggo.

Pero ‘di pa man din nga nagaganap ang October 5 show, pumanaw na ang kapatid ni Nova Villa noong October 2, due to aortic aneurysm, and sabi nga sa showbiz, “The show must go on!”

Nakalulungkot lang malaman na ang pamilya pala ni Tiya Pusit ay namumroblema financially, kung papaano mase-settle ang malaking halaga ng hospital bills.

ADVERTISING

Dinig namin ay isang kaibigang pulitiko at from showbiz rin ang sumagot (o malaki ang tulong) sa burol nito sa St. Peter Chapel sa Quezon Ave., QC.

Kung kaya’t para sa mga may mabubuting kalooban at nakaluluwag sa pinansiyal – sa showbiz man o out of showbiz – kung type n’yo pong tumulong sa pamilya ni Tiya Pusit, maaaring kontakin si Elaine Lozano sa cell number 0915-8815481, at siya na ang kokontak sa pamilya.

Sa mga ganitong panahon, sa mga naging kasamahan ni Tiya Pusit, at may “extra” naman na maishe-share, sana ay huwag nilang ipagkait ang tulong pinansiyal.

Hindi biro ang pinagdaraanan ng isang pamilya ‘pag may ganitong pagsubok.

Ilang taon din tayong pinasaya ni Tiya Pusit sa kanyang mga pelikula at television shows, so sa mga generous na tao sa industriya, this is the time to help.

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naiwan ng komedyana.

 

 

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING